^

PSN Opinyon

Pairalin ang delicadeza!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NANG mag-say goodbye si Bureau of Corrections Director Totoy Diokno ng magkita silang dalawa the other week ni P. Noy  ay  pinuri ito ng huli sa pusang loob este mali kusang loob pala na decision making ng una hinggil sa kontrobersyal issue regarding sa pagpuslit ni dating Batangas Governor Tony Leviste dyan sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Napag-isip-isip ni Totoy na sabit siya sa command responsibilities sa bilibid sa ginawang pamamasyal ni Leviste sa labas ng kulungan.

Unang saltada, nagmatigas si Totoy na dehins siya bibitiw sa kanyang puesto pero ng dakong huli napagtanto nito siguro na dapat na siyang mag-say goodbye kay P. Noy kahit ayaw niyang umalis sa kanyang kaharian sa NBP.

Bakit?

Lalaki at lalala ang isyu kaya para huwag madawit sa kontrobersyal na usapin si P. Noy nag-impake na lamang si Totoy at lumayas sa bilibid.

Sabi nga, hu hu hu hu.  Hehehe!

Ika nga, crying in the rain?

Hindi kasi biro ang vip treatment na ibinigay kay Tony sa loob ng kangkungan este mali kulungan pala akalain mo convicted sa kasong pagpatay papasyal-pasyal sa Luneta este sa labas ng bilibid at ang masama umabot pa ito sa kanyang building sa Makati City at doon nag-alis ng stress?

Ganito rin ang dapat ginawa ni LTO Chief Virginia Torres dahil mabigat as in heavy ang mga kontrobersyal na usapin na nangyari dito.

Kaya noon una ay binitbit ni Virgie ang kanyang bagahe at nagbakasyon muna sa LTO bilang hepe kaya naman ang mga critics nito ay naglulundagan sa tuwa sa akalang hindi na babalik ito sa puesto.

Naramdamam ni Virgie na hindi na siya asset kay P. Noy at baka lumala pa ang usapin sa bandang huli ay ang pangulo na ang bakbakan.

Si Totoy ay na-ispalto este mali nasalto pala  at nasabit ang pangalan sa labas - masok sa kulungan ni Leviste pero si Virgie kung tutuusin ay mas matindi pa ang negatibong nagawa sa mata ng madlang people.

Bakit?

Kasi si Virgie ay nakasuhan sa DOJ at QC court dahil sa sinasabing ma-anomalyang pagkampi sa nagpakilalang may ari ng IT provider ng LTO.  Dahil sa pangyayari nahinto at pumalpak ang operasyon ng Stradcom Corporation sa buong Philippines my Philippines kaya naman naggagalaiti sa galit ang madlang people na may transaksyon sa mga tanggapan ng LTO kasi nga may ilang oras walang galawan sa  pagkuha ng lisensiya, sa mga magre-rehistro ng sasakyan at sa mga tutubos ng mga lisensiya na ang karamihan ay from the provinces pa.

Nauna rito, nasangkot din ang pangalan ni Virgie sa mga inerekomenda ng PNP-HPG na kasuhan dahil sa pagrerehistro ng mga nakaw na sasakyan noong ito ay hepe pa ng LTO-Tarlac.

Kaya lang dismiss ang case problem sa korte.

May mga sinasabing may ilang daw taga-Tarlac ang nagreklamo sa DOTC na si Virgie ay sinasabing approving ng rehistro ng mga sasakyan kahit hindi pa kumpleto ang requirements.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kaya lang talagang manok ni P. Noy si Virgie dahil hindi naniniwala ang una sa mga critics ng huli kaya naman pinabusisi niya ang mga tsismis na nangyari tungkol sa mga nasabing usapin.

Kaya ng magising si Virgie sa kanyang pagkakatulog balik LTO muli ito.

Sabi nga, iba na ang malakas.

BAKIT

BATANGAS GOVERNOR TONY LEVISTE

BUREAU OF CORRECTIONS DIRECTOR TOTOY DIOKNO

CHIEF VIRGINIA TORRES

KAYA

LEVISTE

MAKATI CITY

TOTOY

VIRGIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with