^

PSN Opinyon

Garcia makakalipad na patungong USA

SAPOL - Jarius Bondoc -

MAARI nang mabuo muli ang pamilya ni dating Armed Forces comptroller Gen. Carlos Garcia sa USA. Ito’y dahil kinatigan ng Sandiganbayan ang plea bargain niya mula plunder pababa sa dalawang magaan na kaso. Pormalidad na lang ang pagsentensiya. Hindi na kailangan bumalik ni isang minuto sa piitan si Garcia. Nakalaya na nga siya mula Disyembre sa P30,000-bail.

Kung nahatulang guilty sa P303-milyong plunder, habambuhay na kulong dapat si Garcia. Pero hinayaan ng Ombudsman na mag-plead guilty sa direct bribery at facilitating money laundering. Pinagsoli lang siya ng P135 milyon na ninakaw -- pero hindi ang P125 milyong na-withdraw niya nu’ng Oktubre 2004 bago ma-freeze ang bank accounts. Sa kundisyong ito, inaprubahan ng korte ang kontrobersiyal ng bargain.

Magtatakda ang Sandiganbayan ng sentencing. Walo hanggang 12 taong kulong ang bribery; apat hanggang pitong taon ang facilitating money laundering. Maaring panatilihin ng korte na malaya si Garcia, sa ilalim ng Indeterminate Sentence Law. Ituturing na time served ang anim na taon na detention sa kampo -- Nobyembre 2004 hanggang Disyembre 2010 -- habang nililitis ng court martial at sa non-bailable plunder. Maari din iklian ang minimum na walong taong sentensiya sa bribery. Kamakailan lang nagsentensiya ang korte ng apat na taon sa isang prosecutor at tatlong taon sa isang labor arbiter sa bribery.

Inatras na rin ng Ombudsman ang sakdal na plunder sa asawang Clarita at tatlong anak na Ian Carl, Juan Paolo, at Timothy Mark. Ito’y nang pumayag silang isuko ni Garcia ang kapwa-pag-aari nila sa P135 milyong cash at lupain. Nasa Michigan sina Clarita, Ian at Juan Paolo. Nasa mamahaling Trump Plaza sa New York City si Timothy.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga­, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ARMED FORCES

CARLOS GARCIA

CLARITA

DISYEMBRE

GARCIA

IAN CARL

INDETERMINATE SENTENCE LAW

JUAN PAOLO

NASA MICHIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with