^

PSN Opinyon

Malala ang krimen sa Marikina

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MALALIM pala ang bulsa ni Marikina City police chief Senior Supt. Gabriel Lopez. Imbes na atupagin niya ang sunud-sunod na pawnshop robbery at iba pang nakawan sa Marikina, ang inuuna niya ay ang pag-imbita ng gambling lords para pumasok sa siyudad. At tiyak kukun­sintihin ni De Guzman ang kapalpakan ni Lopez dahil magkaklase sila. Kung lumalala man ang crime situation sa Marikina, dapat lang na ang tandem nina De Guzman at Lopez ang sisihin ng mga residente. Goodbye na lang sa ilang taon na naging best police station ang Marikina dahil lang sa nagkalat na pasugalan.

Kaya ko nasabing malalim ang bulsa ni Lopez dahil pumasok sa bakuran niya ang lotteng ni Don Ramon kamakailan. Siyempre, natuliro ang dating bangka ng lotteng na si Pinong. Dahil sa ngayon, nag-aagawan ng mga kubrador sina Don Ramon at Pinong. Subalit kahit mag-away pa ang dalawa, si Lopez ay tatawa-tawa lang dahil doble ang pumapasok na lingguhang intellihensiya sa kanyang bulsa. Ibig kong sabihin, may intelihensiya na si Pinong sa kanya at may dagdag pa na intelihensiya ni Don Ramon. Ang siste niyan, lumiliit ang kubransa ng dalawa. At sino ang panalo? Siyempre, hindi sina Don Ramon at Pinong o ang mga mananaya kundi si Lopez. Alam mo ba yan, Mayor de Guzman? Hindi lang ‘yan, ang Marikina ay pugad din ni jueteng king Tony Santos at tinitiyak ko hindi rin siya gagalawin ni Lopez.

Para sa kaalaman ni Lopez ang maintainer ng lotteng bookies ni Don Ramon sa Marikina City ay si Nonoy Peralta na anak ni Luis Demonyo ng Bgy. Calumpang. Ang bagsakan ng kubransa ay sa Fenecias St., sa likod mismo ng Roosevelt High School sa Sumulong Highway. Ang kubransa ay dinadala sa Antipolo City. Hayan, ‘wag na magdahilan si Lopez na hindi n’ya kayang sawatain ang lotteng sa kanyang lugar dahil kumpleto-rekado na ang impormasyon na ipinarating ko sa kanya.

Kung hindi naman malutas ni Lopez ang sigalot sa pagitan nina Pinong at Don Ramon, aba lutasin niya ang mga nakawan sa pawnshop at iba pa sa Marikina. Dapat mahiya naman siya sa kaklase niya na si Mayor De Guzman na nitong nagdaang mga araw ay bumababa ang pagtingin ng mga taga-Marikina sa kanya. Kilos Col. Lopez, tulungan mong bumango ang liderato ni De Guzman at hindi ‘yang bulsa mo ang iyong inaatupag.

ANTIPOLO CITY

DE GUZMAN

DON RAMON

FENECIAS ST.

GABRIEL LOPEZ

KILOS COL

LOPEZ

MARIKINA

MARIKINA CITY

PINONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with