^

PSN Opinyon

'Tatlong Pista sa 'Pari Ko!'

- Tony Calvento -

SA henerasyong meron tayo ngayon, marami sa atin ang tila nakakalimot na sa paglapit sa ating Panginoon.

Maraming mga kalamidad, pagsubok at problema ang kinakaharap hindi lamang ng ating bansa kundi maging sa ating personal na buhay.

Ang CALVENTO FILES, ay kaisa sa layuning muling mapalapit sa Panginoon ang mga taong nawawalan na ng pag-asa dahil sa hirap ng kalagayan nila sa buhay.

Nitong ika-1 ng Mayo, naging matagumpay ang unang pagtatanghal ng programang “Pari Ko” sa DWIZ 882Khz. Mapapakinggan tuwing Linggo, alas 9:30 – 10:30 ng gabi.

Nung unang pagbubukas ng programa ng araw na yun, tatlo ang okasyon ang pinagdiriwang ng simbahang Katoliko.

Una ay ang pagdiriwang ng Feast of Divine Mercy. Pangalawa naman ay ang Feast of St. Joseph the Worker at ang ‘beatification’ ni Pope John Paul II.

Ang “Pari Ko’y" isang programa na tumutulong na magkaroon ng tamang kaalaman tungkol sa ating banal na aklat.

Maraming mga nais magtanong at mabigyan ng linaw ang kanilang mga personal na suliranin.

Kasama ni Atty. Joy Rojas, isa sa mga ‘host’ ng “Pari Ko” at ‘general manager’ ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si Father Gener” Geronimo.

Si Father Gener ay labing walong (18) taon ng pari. Na-‘ordained’ siya noong ika- 3 ng Disyembre, 1992 ni Cardinal Sin. Siya ngayon ay isang ‘director’ ng Bahay Pari at naitalaga bilang Episcopal Vicar for Diocese and Clergy ng Arch Diocese ng Manila.

Dalawang seminarista mula sa San Carlos Seminary ang kanyang kasama. Sila ay sina Brother Ernie Sanchez at si Brother Mark Castenedo.

Mahalaga din ang araw na yun para kay Atty. Joy. Ito ay dahil nag-renew siya ng ‘vow’ bilang Lay Minister sa Parish of St. Peter and Paul sa Makati sa pamamahala ni Father Lito Villegas.

Tinalakay sa unang bahagi ng programa ang ‘beatification’ ni Pope John Paul II. Sinabi nila na ang pinaka paboritong dasal nito ay ang rosaryo. Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng simbahan na ang naging kahalili niya na si Pope Benedict XVI ang nagtanghal sa kanya bilang ‘beato’.

Ipinaliwanag din na ang buwan ng Mayo ay tinatawag na Marian Month dahil sa mga deboto ng Birheng Maria. Meron dalawang kaganapan na dapat gunitain nating mga Katoliko tuwing darating ang buwan ng Mayo. Ito ay ang Flores de Mayo at Sta. Cruzan.

Ang Flores de mayo ay sumisimbulo sa buwan ng mga bulaklak. Ito ay ang pagpapahayag ng debosyon, pagtitiwala at pagmamahal sa Birheng Maria. Ang tunay na bulaklak na tinatanggap ng Birheng Maria ay ang pagdarasal natin ng rosaryo. Bawat dasal ng ‘Aba Ginoong Maria’ ay nagsisilbing dugtong-dugtong na bulaklak na inaalay natin sa kanya.

Marami ang nagsasagala na hindi alam ang tunay na ibig sabihin o importansya ng Sta. Cruzan.

Ang Sta. Cruzan ay ang pag-alala ng pagtatagpo ng krus ng ating Panginoong Hesus. Ang prosisyon ng Sta. Cruzan ay may iba’t-ibang kababaihan na tumatayo sa bawat misteryo ng ating pananampalataya.

Ang dalagita at bata sa parada ay sumisimbulo kay Reyna Elena at kay Prinsipe Constantino. Ang dalagita na may hawak ng krus ay isang pagpapa-alaala na nakatanggap tayo ng kaligtasan.

Sinabi din ni Father Gener na kinakailangan na bumalik tayo sa tunay na kahulugan ng Sta. Cruzan. Sa ngayon tila nagiging ‘beauty pageant’ ang prosisyon na dapat sana’y isang banal na pagdiriwang. Nawawala na ang diwa ng pagpapahayag ng debosyon na ito sa ating mahal na Birhen.

Hindi lang sa saya, sa ganda ng isasagala o laki ng karosa ang dapat pagtuunan ng pansin. Kailangang isipin ang tunay na sinasagisag nito.

Napag-usapan din ang tungkol sa patron ng mga manggagawa na si St. Joseph the Worker. Nag-alay ng isang awitin ang mga semirista para sa pagpupugay sa kanya. Naghanap buhay siya para buhayin ang kanyang pamilya.

Iyan ang ilan lamang sa natalakay noong nakaraang Linggo sa programang “Pari Ko”.

Meron din mga tumawag para humiling ng mga dasal para sa sarili nila at sa kanilang mga kamang anak. Ang iba dito ay may ‘cancer patient’ at nai-stroke.

Ugaliing makinig ng “Pari Ko”. Ito’y bago matapos ang linggo at naghuhudyat din ng panibagong linggong parating. Ang “Pari Ko” ay pinamamahalaan ni Atty. Joy Rojas, Father Gener at Father Jojo Buenafe at mga seminarista ng San Carlos.

Ang bawat hiling ninyo para sa inyong mga kamag-anak ay binibigyan nila ng atensyon sa pamamagitan ng panalangin para sa mabilis nilang paggaling.

Makinig din ng ‘Pusong Pinoy’ tuwing Sabado mula alas 7:00- 8:00 ng umaga sa DWIZ 882 KHZ. 

(KINALAP NI AICEL BONCAY)

Ang aming programa sa radyo ay bukas sa anumang talakayan para sa mga complainants na walang kakayahang magpunta sa aming tanggapan. I-text niyo lamang sa mga numerong 09213263166 o sa 09198972854 at sasagutin namin on-air ang inyong problema. Ang landline 6387285 at ang aming 24/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Email address: [email protected]

BIRHENG MARIA

CRUZAN

DIN

FATHER GENER

JOY ROJAS

LSQUO

PARI KO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with