^

PSN Opinyon

Ang legal na asawa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

Istorya ito ng mensahero na si Artemio. Kasal siya kay Adela. Halos 40 taon na silang kasal. Tulad ng isang ma-buting asawa, ibinibigay lahat ni Artemio ang suweldo niya kay Adela upang masuportahan ang kanilang pamilya.

Kung kailan nagiging maayos na ang lahat ay saka naman nagkasakit si Artemio dala na rin ng trabaho niya bilang mensahero ng kompanya ay lantad siya sa lahat ng elemento. Naospital siya at makalipas ang isang buwan ay namatay.

Nag-apply ng kaukulang benepisyo si Adela sa ilalim ng umiiral na batas (Workmen’s Compensation Act). Ayon sa dating Workmen’s Compensation Commission, “compensable” o dapat naman talagang bayaran si Ade­la dahil konektado sa trabaho ang naging dahilan ng pagkamatay ni Artemio. Hiningi sa kanya ang orihinal na kopya ng marriage contract na galing sa Civil Registrar kung saan sila ikinasal o kaya naman, kung wala ito ay sinumpaang salaysay ng tatlong testigo na nakasaksi mismo sa kasal nila at makapagpapatunay na siya ay legal na asawa ni Artemio.

Sa kasamaang-palad, hindi nakuha ni Adela ang mga dokumentong kailangan ng ahensiya. Ang tanging na­ipakitang dokumento ni Adela ay ang sumusunod: 1) isang sertipikasyon mula sa parish/simbahan na ikinasal sila noong 1931; 2) ang sertipikasyon ng kamatayan ni       Artemio kung saan nakasaad na siya ang asawa nito; 3) rekord ng kompanyang pinasukan ni Artemio na siya ang asawa; at 4) isang salaysay mula sa kapwa emple­yado ni Artemio na kakilala nito ang mag-asawa.

Sa kabila ng mga dokumentong ipinakita ni Adela ay tumanggi pa rin ang Commission na ibigay sa kanya ang nararapat na benepisyo. Tama ba ito?

HINDI. Ang mga dokumentong ipinakita ni Adela kasama ang tinatawag sa batas na “disputable presumption” kung saan ipinagpapalagay na ang isang lalaki at isang babae na nagsasama bilang mag-asawa ay tunay na nagkaroon ng legal na kasal at sapat na upang ipakitang legal na asawa si Ade-la ng namatay na empleyado at ang hinihingi niyang benepisyo bilang biyuda nito ay dapat na ibigay at aprubahan. Ang layunin ng batas ay upang big­yan ng kahit anong pampalubag ang mismong empleyado o kaya ay ang mga naulila nito kaya’t dapat na liberal ang gawing interpretasyon dito. Hindi paglabag sa batas kung hindi mabigay ng biyuda ang sangkatutak na dokumento dahil wala naman siyang kinalaman dito. Sapat na ebidensiya lang ang kailangan at hindi primerang ebidensiya upang suportahan ang kanyang aplikasyon o “claim” (Suarnaba vs. Workmen’s Comp. Comm. 85 SCRA 502).

ADELA

ARTEMIO

ASAWA

AYON

CIVIL REGISTRAR

COMPENSATION ACT

COMPENSATION COMMISSION

HININGI

ISANG

ISTORYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with