Korean mafia active sa Phl
KAILANGAN kalkalin ng ating mga mambabatas ang talamak na on-line illegal gambling sa Philippines my Philippines at sinasabing run by Korean mafia.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagbubulag-bulagan ang Games and Amusement Board at PAGCOR sa ‘poker website’ na pinatatakbo ng Korean mafia.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa US of A, ay pumalag na sila rito kaya kinakalkal nila ang sindikatong pinag-uusapan natin.
Sagrado este mali sarado as in close ang 'pokerstars.com website sa Tate matapos maasar ang FBI sa nagpapatakbo dito dahil involved sila sa money laundering at illegal gambling kaya tuloy frozen ang kanilang mga pitsa.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Philippines my Philippines isa ang nl2poker.com na hindi lang basta dollar ang tayaan kundi million of pesos pala ang betting sa on-line poker.
Si Kris ‘BABALU’, na makikita ang baba sa may Pan Pacific Hotel, ito ang sinasabing mastermind sa pinoy counter part.
Abangan, kapos ang kolum ng Chief Kuwago.
Kabado ang mga official sa NAIA
DAHIL sa ginawang pagpatay ng US of A kay Osama Bin Laden todo higpit ngayon ang ipinatutupad na tupada este mali seguridad pala dahil natataranta ang mga people todits baka kasi gumanti ang mga forces ni Osama hindi lang sa ibang kaalyado ng Tate kundi sa number one friend nito ang Philippines my Philippines.
Sabi nga, iba na ang nag-iingat at baka malusutan dahil yari si Honrado kapag nagkataon kapag nagpakaang-kaang siya.
Mga kupas este mga retired Philippine Air Force ang mga binitbit ni Honrado sa NAIA kaya alam nila ang mga ganitong klase ng situation.
Sabi nga, ang retaliation?
Hindi lang sa NAIA ang full alert kundi maging sa lahat ng palingkuran este mali paliparan pala sa Philippines my Philippines.
Ika nga, baka malusutan.
Hindi lang sa madlang people naka-concentrate ang mga taga- airport kundi maging sa mga sasakyan nila ay todong bantay at inspeksyon kapag pumasok sa bisinidad ng airport.
Doble ang trabaho ng mga intelligence regarding sa intelihensiya este mali paniniktik pala para i-monitor ang mga hindi kanais-nais na galaw ng mga terorista at iba pang pinaghihinalaang people na maghahasik ng takot at lagim sa Philippines my Philippines.
Ang police visibility ay dalawa este mali pinarami ang bilang kasama dito ang mga K9 patrol dogs na igagala sa mga terminal at perimeter dyan sa paliparan.
Hindi kasi biro ang panahon ngayon mula ng itumba ng mga kano si Bin Laden hindi bagyo, lindol o baha ang papasok sa mga bansang target ng gang ni Osama kundi mga nakakamatay na kemikal at iba pang uri ng pampasabog ang maaring tumama sa kanilang target.
Sabi nga, remember 9/11!
Sabi nga, baka rumesbak!
Panawagan sa madlang people of the Republic of the Philippines sana kung may mga nakikita kayo o naaamoy na hindi kanais-nais sa inyong mga lugar huwag magatubilin na tumawag ng pulisya para masigurado ang tiembre este kaligtasan natin.
Sabi nga, magdasal tayo kay Lord.
Amen!
- Latest
- Trending