^

PSN Opinyon

Politics sa PNP

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang tawag sa pakikialam ng mga pulitiko sa appointments ng mga official sa  Armed Forces of the Philippines my Philippines ay “MILITICS” sa Philippine National Police naman ay ‘pulitics.’ Hehehe!

Ang political dimension ng pagpili at paghirang sa mga pulis ay institutionalized ng batas mismo na nag- create ng PNP mula sa municipal chief of police up to Chief PNP ay dikta ng batas ang political intervention.

Sa ating pambansang pulisya ay matindi ang gaspangan este mali gapangan pala sa command group mula ng mag-retired si TDCA Perfecto Palad ay wala pa ring permanent appointment na nilabas si P. Noy.

Katulad ni PDDG Benjie Belarmino, up to now ay officer in charge pa lang.

Sabi ng aking SPO-10 sa Crame, si CPNP Raul Bacalzo na nabalewala ang seniority rule dahil nga kasi may mga alipores daw si P.Noy na nakatitig sa puesto ni CPNP, TCDS at NCRPO alam na alam sa national headquarters kung sinu-sino ang mga poging paborito ni P. Noy mula sa Class 80 to 81 kaya naman matinding tumututol ang Clas 78 at 79 dahil nga sa seniority.

Kaya naman may ilang linggo pa lang ang appointments ng mga matatabang lupain ng PRO 4-A, PRO - 3, NCRPO at TCDS ay critical positions na dapat ihayag muli ng command group.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, magkakaroon ng pagbabago pagpasok ng linggong ito sa mga region na nabanggit at ang pang apat na pinakamataas na puesto sa PNP ang TCDS ng command group.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa tindi ng labanan ay naglabasan ang mga ‘white paper’ tungkol sa mga lihim na PNP generals.

Sabi nga, hindi lang gapangan kundi siraan ng pagkatao ang nangyayari dahil sa pagkakabinbin ng decision making ni P. Noy.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Si CPNP Bacalzo ay nakipag-pulong kay Senator Ping Lacson para makumbinsi si P. Noy na sundin ang seniority rule.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Kaya bang nilang tibagin ang mga paboritong heneral ni P. Noy? tanong ng kuwagong urot.

Isa kasi sa mga sensitibong desisyon ay ang early retirement ni CPNP o ang pagpapatuloy na termino nito up to his birthday sa September 15, 2011.

Sabi nga, ang mandatory retirement.

Kung bababa sa puesto o magkakaroon ng early bird este mali retirement si CPNP Bacalzo may pag-asa ang Class 78 0 79 pero kung sa September pa baba sa puesto ito todas este mali kapos na ang bandera ng mga senior officer.

 Sa madaling salita, Class 80 o 81 ang magiging ruling class sa PNP.

Ito ay fearless forecast ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO sa general headquarters?

Si NCRPO director Nicanor “Nikbar” Bartolome ang aakyat sa pader­ este mali sa command group pala bilang at si PRO3 Director Allan­ ‘puring’ Purisima ang uupo o papalit sa tronong iiwanan ni NikBar.

At oras na nagtuloy-tuloy si NikBar tiyak tuloy-tuloy din si Puring sa pagka-CPNP.

Abangan.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BACALZO

BENJIE BELARMINO

DIRECTOR ALLAN

KAYA

NAKU

PERFECTO PALAD

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with