^

PSN Opinyon

Mahaba ang buhay, bawasan ang kain

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

UNA sa lahat, nagpapasalamat ako sa National Bookstore sa pagpili ng librong “Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain” para sa kanilang Best-seller List. Hindi ko akalain na maraming magkakagusto sa librong ito.

Itong koleksyon ay may 79 artikulo mula sa Pilipino Star NGAYON. Nagpapasalamat ako ng lubos kay Mr. Miguel G. Belmonte, ang Presidente ng Pilipino Star NGAYON at The Philippine STAR.

Heto ang ilan sa mga pinakamahalagang tips sa librong ito:

1. Ang pinakamasustansyang prutas ay ang saging, kamatis, mansanas at dalandan. Ang saging ay punumpuno ng mga sangkap na mabuti sa ating tiyan, puso at katawan. Kapag kumain ka ng 2 saging sa maghapon, para ka na ring uminom ng isang multivitamin. Mas masustansya ang lakatan kaysa sa latundan o saba. Ang kamatis, ketsup at tomato sauce ay may lycopene na panlaban din sa kanser. Ang dalandan, calamansi at suha ay mayaman naman sa Vitamin C. Mabuti ito para sa sipon at sa mga may sugat.  

2. Ang pinakamasustansyang isda ay iyung mataas sa Omega-3 fish oil. Ito ay matatagpuan sa sardinas, salmon, mackerel, tamban, tilapia, tunsoy at hasa-hasa. Medyo mababa ang Omega-3 ng bangus pero puwede na rin ang bangus belly. Hindi po masama ang taba ng isda. Sa katunayan ay makatutulong ito sa ating puso, utak at ugat. Magiging matalino ka pa.

3. Kumain ng maberdeng gulay tulad ng pechay, ampalaya, kangkong, talbos ng kamote, at repolyo. Ito ay punumpuno ng vitamins at minerals na mabuti sa ating katawan. Dahil mataas din ito sa fiber, makatutulong ang gulay sa ating sikmura at bituka. Mapapaayos din ng gulay ang ating pagdumi.

4. Alamin ang iyong tamang timbang at piliting maabot ito. Heto ang mga tips para pumayat: (1) kumain ng isang tasang kanin lang (1 cup rice), (2) umiwas sa soft drinks at iced tea, (3) magtubig ka na lang, (4) kumain ng mas maraming gulay, (5) magbawas sa pang­himagas tulad ng mga cake at ice cream, (6) diyetahin ang pagkain ng prutas at fruit juices dahil nakatataba rin ito, at (7) mag-ehersisyo.

Ang librong “Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagka­in,” ay matatagpuan sa lahat ng National Bookstore. Mababasa rin ang aking mga artikulo ng libre sa internet (docwillieandliza.com).

HETO

MR. MIGUEL G

NATIONAL BOOKSTORE

PILIPINO STAR

PUSO

SAKIT

TAMANG PAGKA

TAMANG PAGKAIN

VITAMIN C

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with