^

PSN Opinyon

Dagdag-kaalaman para iwasan ang droga

Panaginip Lang -

NITONG nakaraang Holy Week ay nakausap ko ang ilang mga kaibigan at kamag-anak at napag-usapan namin ang tungkol sa lumalalang sitwasyon dala ng patuloy na paglaganap ng iligal na droga. 

Napagkaisahan naming tawagin ang lahat ng mga anak namin na kasamang nagbabakasyon upang personal na sabihan tungkol sa masasamang epekto ng iligal na droga sa kanilang utak.

Nais ko pong ibahagi ito para naman ang mga kabataang naaalok o naeenganyong sumubok nito ay maagang mabigyan ng babala at huwag nang tumikim. 

Sa lahat nating kababayan, isama na natin pati ang matatanda (marami kasing pagkakataon sa panahong ito na kahit mga professional na ay natututong gumamit ng iligal na droga).

May isa kaming kilala na literal na naging durugista kung kelan tumanda kaya idadagdag ko ang kuwentong nangyari sa kanya sa pag-asang magsilbing panakot   sa mga nagtatangka pang sumubok.

Anyway, may mga pag-aaral na ginawa sa utak ng mga durugista at walang kaduda-duda na binabalot ng mga chemicals na galing sa iligal na droga ang mga importanteng parte ng utak na nagiging dahilan upang palaging umasa na lamang ang mga gumagamit sa iligal na gamot. 

Nagiging depress sila kapag hindi nakakagamit ng iligal na gamot na dahilan rin upang maging violent ang mga taong ito. Natutuyo rin pala ang utak ng mga tumitira nito kaya gaya ng anak ng kilala namin, ayun nasa ospital at ginagamot hindi dahil sa ilegal na gamot kung hindi     dahil sa baliw na siya. 

Para sa mga nais tumikim, tandaan din ninyo na hindi nagagamot nang tuluyan ang mga tumitira nito at mapagaling ka man ay apektado na ang utak mo.  

So sa mga nais sumu­bok, sumige ka para may one way ticket ka na pa-puntang mental hospital.

***

Para sa anumang re­ak­syon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]

DROGA

HOLY WEEK

ILIGAL

NAGIGING

NAPAGKAISAHAN

NATUTUYO

UTAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with