^

PSN Opinyon

Sa wakas, o sa wala?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

KINASUHAN na rin, sa wakas, ng Ombudsman sina Jocjoc Bolante, Cito Lorenzo at iba pang mga tao na may kaugnayan sa tinatawag na fertilizer scam katulad ng makata-kunong Jaime Paule. May nauna nang kinasuhan ukol din sa scam, pero maraming nadismaya nang malaman na hindi pa rin kinakasuhan si Bolante, ang arkitekto umano ng buong anomalya. Pero ayon sa marami, kasama na riyan ang unang humawak sa isyu noong 2006 pa, ang pagsampa ng mga kaso na may kinalaman sa fertilizer scam ay bahagi ng depensa ni Merceditas Gutierrez sa kanyang impeachment na kaso itong Mayo.

Nakapagtataka nga naman talaga kung kailan may nakabinbin nang impeachment na kaso laban kay Gutierrez, saka umusad ang pagsampa ng kaso laban sa mga kinauukulan! Gagamitin ang hindi pagsampa kaagad, o ang pag-upo ng Ombudsman sa kaso ng fertilizer scam, bilang ebidensiya para suportahan ang kanyang impeachment. May mga nagsasabi na kaya sinampahan na ng kaso ngayon ay para hindi na magamit laban sa kanya. At hindi lang iyon, naka disenyo na raw sa mga sinampang kaso na ito’y mababasura lang ng Sandiganbayan dahil sa tagal ng pagsampa, o kaya’y sa sama ng pagka-presenta ng mga ebidensiya! Sa madaling salita, para hindi masabi na hindi nila inaksyunan ang isyu ng fertilizer scam!

Imbis na matuwa ang tao sa kilos na ito ng Ombuds­man, duda at batikos lang ang naging reaksyon. Patunay lang sa lubusang pagkawalang-tiwala na ng taong-bayan sa tanggapan ng Ombudsman sa ilalim ni Merceditas Gutierrez. Kung bakit nagpupumilit pang manatili at labanan ang impeachment na kaso laban sa kanya ay pinapakita lang ang kanyang matin-ding paghawak sa kapangyarihan. Kapangyarihan na akala niya’y wala nang hangganan.

Halos anim na taong hawak ng Ombudsman ang mga ebidensiya. Kung ang sasabihin nila ay ngayon lang ang tamang panahon para sampahan ng kaso, maliwanag na hindi sila karapat-dapat manatili bilang mga Ombudsman, sa tagal nilang dumesisyon. At ganun na nga ang tingin sa tanggapang ito. Mabagal, mahina.

Walang naniniwala na ngayon lang ang tamang panahon para sampahan sina Bolante et al, at kung anu-ano pang kaso ang nakabinbin sa kanilang mga la mesa. ZTE-NBN, kaso ni Pestaño, lahat na!

BOLANTE

GAGAMITIN

IMBIS

JAIME PAULE

KAPANGYARIHAN

KASO

LANG

MERCEDITAS GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with