^

PSN Opinyon

Nograles sugpuin ang kahirapan RH Bill

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HALOS lahat ng madlang people sa Philippines my Philippines ay nakakaramdam ng kahirapan sa nangyayari sunod-sunod na pagtaas ng mga presyo ng petroleum products kaya naman nagbu-boomerang ito sa mga presyo ng pangunahin bilihin, pamasahe, kuryente, tubig at baka sa susunod na buwan ay magkaroon naman ng tuition fee hike.

Bakit?

Mali lamang ang paraan ng government of the Republic of the Philippines my Philippines  sa pagtuturo o paglinang ng mga madlang people nito kaya lumalala ang kahirapan sa atin.

Sa parte ni House Assistant Majority Leader at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, hindi ang mabubuong batas sa Reproductive Health na layong kontrolin ang populasyon ang tatapos sa napakatagal nang suliraning panlipunan.

Ika nga, you cannot solve hunger by abetting a culture of sex.

Isa si  Nograles, sa mga kongresista sa Kamara ang tumututol sa rh Bill.

Bida ni Nograles sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang tanging magiging maligaya at  makikinabang lamang sa Reproductive Health bill  ay ang mga gumagawa ng condom at iba pang contraceptives na tiyak na hahakot ng katakut-takot na kuwarta mula sa ibinabayad na buwis ng madlang taxpayer.

Sabi ni Nograles sa mga kuwago ng ORA MISMO, hindi makatwirang ikumpara ang responsableng pagpapamilya sa paggamit ng artificial contraceptives dahil sinisira nito ang konsepto ng sariling pagdidisiplina at respeto sa kabanalan ng kasal at pagtatalik.

Ika nga, nawawala ang sarap. Hehehe!

Kahit walang RH Bill sabi ni Nograles, malaya namang makakapagpapogi para sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng condom at hindi rin pinipigilan ang mga mag-asawa na pumili ng kanilang brand o paraan para planuhin ang laki ng et-et este mali pamilya pala.

Sabi nga, pagsasayang lang ng panahon at pondo ng madlang people ang pagtutulak ng lehislasyon sa paggamit ng contraceptives.

Sabi ni Nograles, “instead of buying condoms, the government of the Republic of the Philippines my Philippines should use government funds to expand its free education programs and increase its free skills training facilities to ensure employment for our people.”

Ika nga, tama naman!

Banatan na naman

SINAGOT ng majority bloc sa Kamara partikular ang partido Liberal ang mga patutsada ni Quezon Rep. Danny Suarez sa isyu ng panggigipit umano sa mga kaalyado ng huli ng administrasyon ni P. Noy.

Binakbakan kasi the other day ni Suarez ang Aquino government tungkol sa panggigipit sa minorya regarding sa isyu ng tax evasion na isinampa ng bir sa DoJ laban kina Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo at watot nitong si Angela at maging si dating Rep. Butch Pichay ay ginirian din ng kaso.

Kaya naman umaray si Suarez, ng partido Lakas dahil iniipit daw ng gobierno ni Aquino ang mga kakampi nila sa party.

Kaya naman tirahan ngayon ang nangyayari.

Sabi nga, batuhan ng utot este mali baho pala.

Sa pagbubukas ng Kongreso next month tiyak ang salpukan ng dalawang grupo.

Sana hindi!

Abangan

vuukle comment

ANG GALING PINOY REP

AQUINO

BUTCH PICHAY

DANNY SUAREZ

IKA

NOGRALES

REPRODUCTIVE HEALTH

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with