^

PSN Opinyon

Si Speaker SB at si P. Noy!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

BUKAS ang kamay ng mga kongresista na kaalyado ni P. Noy sa Kongreso na bigyan ito ng ‘emergency power’ para maayos ang lumalaking krisis sa petroleum products sa Philippines my Philippines.

Kaya naman si House Speaker Feliciano ‘Sonny’ Belmonte Jr., ay hindi kontra sa dapat mangyari kay P. Noy.

Sabi nga, dapat lang!

Ika nga, magtulungan sa ikauunlad ng madlang Pinoy at Philippines my Philippines.

Masungit na kasi ang madlang people sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin puera pa dito ang pagtaas ng panibagong pamasahe, bigas, gulay, karne, baboy, manok, LPG, kerosene at napakarami pang iba.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hintayin ng madlang student ang pagtaas ng tuition fees sa pagbubukas ng klase sa susunod na dalawang months.

Noon pang 2010 ay nagbigay babala ang mga kuwago ng ORA MISMO, regarding sa pagtitipid oras na pumasok ang 2011 dahil nakita nila ang nangyayari sa China at ang lumalalang situation sa Middle East at Africa.

Baka hindi matapos ang taong ito ay lalong lumala ang gulo sa iba pang lugar ng mundo.

Sabi nga, sana huwag magka-totoo!

Pati sa US of A ay nag-aaklas na rin ang iba sa mga kanuto este mali Kano dito dahil sa problema nila sa pitsa at kawalan na rin ng mga trabaho.

Mas masuerte pa rin ang madlang people sa Philippines my Philippines kahit na tumataas ang bilihin ng kung anu-anong mabibili ay hindi ito nag-a-out of stock dahil kung mangyayari ang kinatatakutan ng mga kuwago ng ORA MISMO, baka tayong mga Pinoy ang magbanggaan at magbakbakan.

Ika nga, huwag sanang mangyari!

Kaya naman ipinagdarasal ng mga kuwago ng ORA MISMO, hanggang maaga pa ay umaksyon ang pamahalaan para hindi tayo mahuli sa lumala­lang problema at mabigyan ng mabilis na solution.

Hindi iyon andyan na ang problema saka lang gagalaw ang mga kamote.

‘Ano ang mabuting gawin ng administrasyon ni P. Noy?’ tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.

‘Siguro mas mainam na pag-usapan ng seryoso ang problema ng Philippines my Philippines at hindi iyong puro bengahan dahil sa pulitika’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Paano walang tigil ang tirahan ngayon left to right at right to left, kanaan nang kanaan paano ngayon ito?’

‘Magkakaaway kasi sa pulitika’

Sabi nga, bumabawi sa mga dating atraso!

‘Paano ito masusulusyunan?’

‘Iyan ang hindi natin masasagot” sabi ng kuwagong urot.

‘Bakit?’

‘Pera ang pinaglalabanan kaya ito ang malaking problema’

‘Ano ang mainam?’

‘Kamote, maghintay ka na lang’

Revenue Region No. 7 Si BIR director Nestor Valeroso

NATUTULOG ba ang kaso ni Valeroso sa Office of the Ombudsman?

Naku ha!

Totoo bang may kaso si Valeroso?

Ano ba iyan?

Alam kaya ni BIR Commissioner Kim Henares ang tungkol sa sinasabing kaso ni Valeroso sa Ombusdman?

Mas mainam siguro kung ipapa-double check niya ito kasi maraming opisyal sa BIR ang nagtataka kung bakit ito pa ang inuupo sa sensitibong posisyon.

Sabi nga, naiinggit. Hehehe!

Alam ng madlang people nasa ‘tuwid na landas’ nakatutok si Kim kaya dapat sigurong ituwid niya ang isyung ito.

Katulad ng ginawa ni Kim kay Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo et al, naipakalkal niya ng husto at natuklasan na dehins pala nagbabayad ng buwis ang kongresista plus the wife.

Kaya heto nagkaka-hetot-hetot si Mikey ngayon sa BIR? Hehehe!

Kambiyo isyu, sangdamakmak ang nagtatanong kung bakit nabigyan pa ng magandang puesto si Valeroso kung totoong may pending cases ito sa Ombudsman?

Napakarami naman kualipikado sa BIR sa posisyon ni Valeroso na walang mga kaso.

Bakit kaya?

Abangan ang susunod na mga kabanata.

ALAM

ANO

KAYA

LSQUO

PHILIPPINES

SABI

VALEROSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with