^

PSN Opinyon

Sakit ng ulo: Kailangan ba ng check-up?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

ANG sakit sa ulo ang madalas ireklamo ng pasyente sa kanilang doktor. Ang iba ay natatakot na baka kung ano na ang masamang sanhi nito. Ngunit huwag mangamba, karamihan ng sakit ng ulo ay hindi delikado.

Una, kung ang sakit ng ulo ay sumasabay sa pagbasa ng diyaryo o pagtrabaho sa harap ng computer, malamang may diperensya ang iyong mga mata. Magpagawa ng salamin at magpatingin sa optometrist o ophthalmologist.

Pangalawa, kung labas pasok ka sa malamig at mainit na lugar, puwede rin sumakit ang ulo. Hindi po ito masama. Naninibago lang ang mga ugat natin sa ulo dahil sa pagbabago ng panahon.

Pangatlo, kung ang sakit ng ulo ay gumiginhawa sa pagmamasahe ni Misis, malamang ay stress o tensyon lang iyan. Naninikip kasi ang muscles ng ulo natin kapag naii-stress. Ang ibig sabihin ay marami kang iniisip, maraming problema at kulang sa budget, kaya sasakit talaga ang ulo.

Ang mga nabanggit ko na sanhi ng sakit ng ulo, mula sa mata, sa pagbago ng panahon at sa stress ay puwede nang hindi ipa-check sa doktor. I-paracetamol mo na lang o I-Ibuprofen. Mas gentle sa sikmura ang paracetamol, ngunit mas mabisa naman ang Ibuprofen. Kailangan lang itong inumin ng bagong kain para hindi sikmurain.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor? Kapag matindi ang sakit ng ulo, kung may kasamang lagnat, pagsusuka o panghihina, isangguni na sa doktor. Kunin din ang blood pressure. Kapag mataas sa 140/90, posible rin na altapresyon ang dahilan ng pagsakit ng ulo.

Ang mga sakit na binabantayan ng doktor ay ang istrok at brain tumor. Ang sintomas nito ay ang panghihina o pamamanhid ng katawan.

Ang migraine ay isa ring pangkaraniwang da­ hilan ng sakit ng ulo. Malalaman mo na migraine iyan dahil kalahati lang ng ulo ang sumasakit. Me­fenamic acid o aspirin din ang gamot sa migraine.Ngayong alam mo na ang mga dahilan ng sakit ng ulo, makapagdedesisyon ka na ng tama kung kailangang magpa-check sa doktor. Good luck po!

DOKTOR

I-IBUPROFEN

KAILAN

KAILANGAN

KAPAG

KUNG

KUNIN

MAGPAGAWA

SAKIT

ULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with