^

PSN Opinyon

Omnia tempus havent

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

MAAGANG pagbati sa darating na kaarawan ng Kan- yang Kabanalan Pope Benedict XVI sa Abril 16, 2011. Happy Birthday po, mahal na Papa.

Ayon kay propeta Ezekiel, muling bubuksan ng Pa-ngi­noon ang mga libingan at hihingahan Niyang muli at bubuhayin ang mga patay. Kaya sa mga pangyayari ngayon na lindol, bagyo at tsunami ay isang paalaala na magaganap na ang lahat ng plano ng Panginoon. Kaya paghandaan natin ito sa pamamagitan ng ating pagbabalik-loob sa Kanya. “Sa piling ng Poong Diyos, may pag-ibig at pagtubos”.

    Isang babala sa atin ni Pablo na mamuhay tayo ayon sa Espiritu ng Diyos upang muli Niya tayong buhayin sa huling araw. Sapagka’t kung tayo’y nabubuhay ayon sa laman ay hindi tayo kalulugdan ng Panginoon.

Sa kabuuan ng ebanghelyo sa araw na ito ay ipinakita sa atin ang pagpapatunay ni Hesus na Siya ang muling pagkabuhay at ang buhay. Matalik na kaibigan ni Hesus ang magkakapatid na Lazaro, Marta at Maria Magdalena. Sa kanilang bahay palaging kumakain si Hesus at mga alagad. Nagkasakit si Lazaro at ipinaalam ito nina Marta at Maria kay Hesus: “Panginoon, ang kaibigan mong minamahal ay may sakit”. Ang tanging sagot ni Hesus: “ Hindi magwawakas sa kamatayan ang sakit na ito. Nangyari ito upang maparangalan ang Diyos at sa pamamagitan nito’y maparangalan ang Anak ng Diyos”.

Nagpatuloy si Hesus ng pangangaral sa malayong lugar at makalipas ang ilang araw ay nagbalik sa Betania na apat na araw nang nakalibing si Lazaro. Na-balitaan ni Marta na parating na si Hesus, nagmamadali niyang sinalubong at sinabi: “Panginoon, kung kayo po’y narito hindi sana namatay ang aking kapatid.”

“Muling mabubuhay ang iyong kapatid” sabi ni Hesus.

Kadalasan ay nagaganap din sa atin ito. Hindi natin matanggap ang pagpanaw ng ating mahal sa buhay. Tulad ni Marta ay sinasabi natin: “Panginoon kung narito ka lamang hin­di namatay ang aking kapatid”. Para bang sinisisi pa natin ang Diyos. “Omnia tempus havent (Eccle- siastes3:1)”. May pana­hon ng pagsilang at panahon ng kamatayan. Kadalasa’y hindi natin ito matanggap.

Ezekiel 37:12-14; Salmo 129; Roma 8:8-11 at Juan 11:1-45

DIYOS

HAPPY BIRTHDAY

HESUS

KAYA

LAZARO

MARIA MAGDALENA

MARTA

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with