^

PSN Opinyon

'Naalimpungatan ba?'

- Tony Calvento -

IKA-3 ng Mayo 2010, abala ang lahat sa sayawang nagaganap sa Hilongos, Leyte dahil sa nalalapit na kapistahan ng Brgy. Isidro. Nilatag ang malalaking mesa sa daan. Kanya-kanyang dala ng alak, pulutan at partido. Lahat pwedeng pumuntakapurok, katabing barangay at maging mga bakasyunista imbitado rin.

Taun-taon ganito ipinagdiriwang ang ‘Fiesta’ ng Isidro sa bayan ng Leyte. A tres pa lang ng Mayo gabi-gabi na ang ‘disco’.

Nagpunta sa aming tanggapan si Concepcion Ching Estrada, 43 taong gulang laking Sitio Candagan, Leyte. Inilapit niya sa amin ang kaso ng kapatid na si Delfin Calimbo na kasalukuyang nakakulong sa Hilongos Provincial Jail matapos masangkot sa krimeng ‘murder’ na nangyari sa Fiesta ng Isidro.

Si Delfin mas kilala sa tawag na Fin ay isa sa mga binatang tumatawid barangay upang makipiyesta.

Panglima sa siyam (9) na magkakapatid si Fin. Araw-araw na pag-aaro’t pagsasaka sa bukid kasama ang amang si Marcelino ang kanyang pinagkakaabalahan. Ito na marahil ang dahilan kung bakit sa edad na 32 anyos binata pa ito.

Mayo 3, 2010 labing dalawang araw bago sumapit ang piyesta ng Isidro nagkaroon ng sayawan sa barangay. Alas nuwebe pa lang ng gabi simula na ang tugtugan at yugyugan. Meron ding nagtatagay ng inumin. 

Kasama ni Fin na nakipiyesta ang limang kapitbahay na sina Moises Lumago, Rechie Malig-on, Marcos Tumampos, Bernabe Agua at Joel Torregoza.

Ala- 3:00 na ng umaga ng matapos ang Disco. Habang hinihintay sina Moises na kasabay niyang umuwi, natulog muna si Fin sa ibabaw ng mesa para magpababa na rin ng tama ng alak.

Isang oras kasi ang layo ng Barangay Isidro sa bahay ni Fin kapag nilakad.

Habang natutulog ginising si Fin ng malalakas na kalabit at sigaw nila Moises at Richie. Pare! Gising Yung mama papunta sa’yo!

Pagmulat ni Fin bumungad sa kanya ang isang lalakeng papalapit na umano’y may suot na ‘brass knuckles’ (bakal na sinusuot sa kamay kapag mananapak).

Ang lalakeng tinutukoy ay ang bakasyunista ng Barangay Hitudpan si Ronillo Bongato, 33 taong gulang.

Naalimpungatan umano si Fin, tumayo siya ng makita si Ronillo na papalapit sa kanya. Lasing na lasing umano si Ronillo. Napansin niya ang tindi ng pagkakahawak nito sa brass knuckles. Nangigil umano ito sa galit at namumura, P*7@n6 i#@ mo! P*7@n6 ig#@ mo talaga!

Kwento ni Fin kay Ching, palusob sa kanya si Ronillo kaya’t tumayo siya’t inunahan ito ng suntok. Dahil na rin umano sa kalasingan tumba agad si Ronillo.

Nang mahimasmasan si Fin tutulungan na umano sana niya si Ronillo subalit inawat siya nila Moises at sinabing, Wag mo na galawin yan!. Dito na umano pinagsusuntok nila Moises si Ronillo.

Giit ni Ching, isang suntok lang ang naging partisipasyon ng kanyang kapatid sa krimen. May saksak na umano si Ronillo bago pa suntukin ni Fin.

Dinepensahan naman ito ng panig ng biktima. Ang mga susunod na pahayag ay base sa pinagsasamang sinumpaang salaysay ng kapatid ni Alfonso Bongato, kapatid ni Ronillo at pinsan nitong si Jessie Deiz Mano. Sila ang kasama ng biktima ng maganap ang krimen. 

Bandang alas kwatro ng umaga nakita nilang pinapalibutan si Ronillo ng isang grupo na kinabibilangan ni Delfin Calimbo. Pinagsusuntok ni Delfin ang katawan at ulong bahagi ng biktima. Sinundan ito ng pag-atake ni Moises Lumago na noo’y bitbit ang isang bolo sa kanyang kaliwang kamay. Walang sabi-sabi sinaksak niya si Ronillo. Tinamaan ang biktima sa kanang bahagi ng kanyang katawan.

Si Richie Malig-on naman pinagsisipa sa ulo at balikat ang noo’y sugatan ng si Ronillo. Habang nangyayari ang krimen sina Marcos Tumampos, Joel Torregoza at Bernabe Agua naman ang tumayong mga ‘look-out’ upang walang makalapit at sumaklolo sa biktima. Si Moises naman hawak ang kanyang bolo hinamon sila’t sinabing, Gusto mo ba ikaw ang isunod ko?. Sumigaw sila at humingi ng saklolo. Sinugod nila ng mabilis sa Hilongos District Hospital si Ronillo subalit dineklara itong ‘dead-on-arrival’.

Nanatili naman si Fin sa kanilang bahay. Nung parehong araw pinuntahan siya ng isang tanod ng barangay at pinabalik siya kung saan nangyari ang krimen.

Naabutan niya dun ang mga pulis habang nagsasagawa ng imbestigasyon. Tinuro ni Jessie sina Fin, Moises at Richie na siyang pumatay kay Ronillo kaya’t mabilis islang inimbitahan sa Presinto Hilongos. 

Positibong naituro ng testigo yung tatlo na sila ang mga nagtulong-tulong patayin si Ronillo. Diretso sila sa kalaboso.     

Nagkaroon ng pagdinig ng kaso sa Provincial Prosecutor’s Office ng Leyte. Hunyo 24 ng parehong taon ng mailabas ang resolusyon. Nakitaan ng taga-usig na si Asst. Prov. Prosec Renato B. Padayao ng ‘probable cause’ ang demanda laban kay kina Fin upang ito’y maisampa para sa kasong Murder. Kasalukuyan na itong nasa Regional Trial Court, Branch 18 ng Hilongos.

Sa umano’y isang suntok damay sa kaso si Fin. Hindi matanggap nila Ching na nagdudusa ang kapatid sa kulungan. Ito ang dahilan ng pagpunta niya sa amin.         

Itinampok namin ang istorya ni Ching sa CALVENTO FILES sa radyo. Ang Hustisya Para Sa Lahat ng DWIZ 882 KHZ (tuwing 3:00-4:00 ng hapon).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, maaring suntok nga lang ang nagawa nitong si Fin subalit sa mga insidente kung saan dalawa o higit pa ang nasasangkot sa kasong pagpatay pumapasok ang angulo ng ‘conspiracy’. Ito ay ang pakikipagsabwatan ng mga taong nandun upang maisakatuparan ang kanilang maitim na balakin na patayin ang biktima. Ang nanuntok, nanaksak at pati na rin ang nagsilbing look-out sama-samang masasangkot sa ilalim ng tinatawag nilang ‘The act of one is the act of all’. Isang magaling na depensa ang kakailanganin nila upang mapatunayan na itong si Ronillo bago pa sila magkaenkwentro nila Fin, Moises at Rechie ay may tama na siya ng saksak sa tagiliran. Ano pa man yun dahil ang kaso’y nasa Korte na at meron ng inatasan ang Korte na tumayo bilang abogado nitong si Fin. Ang tanging magagawa namin ay tutukan ang mga susunod na kaganapan sa kasong ito. Isa lamang ang mapapayo namin kay Fin napakahirap isipin na si Ronillo ay may tama na sa tagiliran at magagawa pa nitong lusubin itong grupo nila Fin at nang lusubin siya nito naalimpungatan siya at sinapak niya ito. Naalimpungatan ka nga lang ba? Ang pinagtibay na kasabihan sa ating ‘judicial system’ na ang isang testimonya para maging kapani-paniwala, hindi lamang ito dapat manggaling sa isang kapani-paniwalang source’ kundi ang mismong testimoyang ito ay dapat kapanipaniwala.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Sa gustong dumulog ang aming numero 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado

* * *

Email address: [email protected]

FIN

ISANG

ISIDRO

LSQUO

MOISES

RONILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with