^

PSN Opinyon

Medical-dental mission ni Mr. Miguel G. Belmonte

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

KAKAIBA talaga ang ginawang medical at dental mission ng Pilipino Star NGAYON at Philippine STAR sa isang eskwe­lahan sa Quezon City.

Isipin lang ninyo: Sa loob ng isang araw, may 3,000 bata ang nabigyan ng medical at dental check up. Kasama namin dito sa medical mission ang 38 doktor at dentista mula sa Manila Doctors Hospital, St. Luke’s Hospital, Pasay Filipino-Chinese Charity Health Center at marami pang volunteers.

Namigay ang pamunuan ng Pilipino Star NGAYON nang napakaraming regalo (bag, sepilyo, toothpaste, pencil case at iba pa) sa bawat bata. Lahat ng 3,000 bata ay may libreng vitamins, at mga gamot para sa kanilang nararamdaman. Bukod dito, mayroon pang libreng meryenda at juice ang lahat ng bata.

Check up, regalo, libreng gamot at libreng pagkain pa. At hindi lang iyan. May poster at essay writing contest, kung saan mga 40 bata ang binigyan ng cash prize, kasama ang mga consolation prizes at gift certificates para sa mga hindi nanalo.

Paano natupad ang biyayang ito sa elementary students ng BGB Elementary School sa Quezon City? Simple lang po. Ito’y dahil sa pagkalinga at pagpondo ng Presidente at CEO ng STAR group of companies, si Mr. Miguel G. Belmonte.

Alam kong lampas sa isang milyong piso ang inilabas ni Mr. Miguel Belmonte para sa mga batang estudyante. Ngunit sobra naman ang kasiyahang nakita namin sa kanilang mga mata. Tawa sila nang tawa at tuwang-tuwa sa sunod-sunod na biyayang dumarating sa kanila.

At alam ninyo ba na naubos ang halagang P250,000 worth ng gamot at bitamina para sa mga bata? Mayroong may bulate, galis, pulmonya, ubo at lagnat. Mayroon ding isang batang may sakit sa puso (Rheumatic Heart Disease) na na-check up ko, at ngayo’y tinutulungan ni Mr. Miguel Belmonte na magpagamot sa Philippine Heart Center.

Ang proyektong ito ay isa lamang sa regular charity pro-jects ng inyong paboritong pahayagan, ang Pilipino Star NGAYON. Sa ngalan ng STAR group of companies, mara-ming salamat sa lahat ng inyong natutulungan, Mr. Miguel G. Belmonte. Malay natin, baka maulit pa ang ganitong medical at dental mission sa iba pang lugar.

BELMONTE

ELEMENTARY SCHOOL

LEFT

MANILA DOCTORS HOSPITAL

MR. MIGUEL BELMONTE

MR. MIGUEL G

PILIPINO STAR

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with