^

PSN Opinyon

2 sa 3 college grads 'sabit'

SAPOL - Jarius Bondoc -

NAKAKABAHALA ang statistics ng Professional Regulation Commission. Isa lang sa bawat tatlong college graduates ang kuwalipikado sa pinag-aralang propesyon. ‘Yung dalawa, bagsak sa licensure examinations. Inanunsiyo ito ng Commission on Higher Education para ipaalam ang pambansang suliranin sa edukasyon.

Nu’ng 2009, 36.09% lang ng 415,190 graduates ang pumasa sa iba’t ibang board exams. Hindi ito naglalayo sa resulta nu’ng 2008: 38.67% lang ng 390,378 examinees land ang pumasa.

Apatnapu’t apat na kurso ang sinuri, kabilang ang medicine, engineering, education, at science and technology. Pinaka-grabeng paglubog sa engineering. Sa aeronautics 27.37% lang ang pumasa nu’ng 2009, mula 43.88% nu’ng 2008. Sa electronics and communication 25.17% nu’ng 2009, mula 35.82% nu’ng 2008. Sa naval architecture walo lang sa 41, o 19.51% nu’ng 2009, mula 31.25% nu’ng 2008.

Madalas mapabalita ang nursing board results: Hindi lumalampas sa kalahati ng daan-libong nag-e-eksamen tuwing Hunyo at Disyembre.

Sa huling bar exams, 982 lang, 19.59% ng 5,012, ang pumasa.

Malinaw sa statistics na bumababa ang kalidad ng college education. Dapat higpitan ng CHEd ang pagpepermiso ng mga kolehiyo, at isara ang diploma mills na kumakabig lang ng tuition pero walang naituturo sa mag-aaral. Inamin ni CHEd chairwoman Patricia Licuanan na “Kahit sino na lang ay nagbubukas ng eskuwelahan.”

Bukod du’n, ani Licuanan, pagbubuklurin ng CHEd    sa “systems” ang mga kurso ng mahuhusay na kolehiyo  at pamantasan. Tulad ng sa pi­­nagsanib na computer scien­ces ng Ateneo, La Salle at U.P., ito’y para magkatulungan sila sa pagtaas ng antas ng pagtuturo at pasilidad.

* * *

Makinig sa Sapol, tuwing Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).              

E-mail: [email protected].

APATNAPU

ATENEO

HIGHER EDUCATION

LA SALLE

LANG

PATRICIA LICUANAN

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with