^

PSN Opinyon

Ang mahiyaing asawa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

NOONG Hunyo 15, 1960, nagpakasal sina Cesar at Rosario sa isang huwes sa bayan nila sa Davao. Noong Hunyo 20, 1965, nagsampa ng kaso sa korte si Cesar upang ipawalambisa ang kasal nila ni Rosario. Ayon sa kanyang reklamo, wala raw kakayahang makipagtalik ang asawa niya. Nadiskubre lang niya ito noong ikasal na sila at patuloy pa rin ang problemang ito. Ayon kay Cesar, dahil nga sa kon­disyon ng asawa ay napilitan siyang umalis sa kanilang tahanan dalawang gabi at isang araw matapos nilang magpakasal.

Ipinatawag ng korte si Rosario at naglabas ng utos na kailangan ng babae na magpasuri sa isang babaing doctor upang malaman ang kakayahan niyang makipagtalik. Hindi pumayag si Rosario sa eksaminasyon. Sa katuna­yan, hindi rin siya sumagot sa reklamo at hindi sumipot sa paglilitis. Sa pagdinig ng kaso, si Cesar lang ang tumestigo. Inulit lang niya ang nakasaad sa kanyang reklamo na baog ang kanyang asawa. Ma­tapos ang paglilitis, naglabas ng desisyon ang korte. Ipinawa­walambisa ang kasal ni Cesar kay Rosario.

Nang umapela, isinantabi ng korte ang desisyon ng mababang hukuman. Ang pagiging baog daw ay isang abnormal na kondisyon at hindi ito basta tinatanggap. Ang batas ay laging pabor sa pagkakaroon ng kakayahan na magkaanak (Marciano vs. San Jose, 59 Phil. 62). Kulang ang nag-iisang pagpapatunay ni Cesar na tanging ebidensiya sa kaso upang mabalewala ang patakarang ito at basta na lang sirain ang tali ng matrimonya sa mag-asawa.

Ayon din sa Supreme Court sa kasong Jimenez vs. RP, 109 Phil. 273, ang kasal sa ating bansa ay isang institusyon na pinahahalagahan ng komunidad. Naglagay din ng kaukulang pag-iingat ang Estado upang mapanatili ang pagiging dalisay at permanente nito. Ang seguridad at kaayusan ng ating bansa ay nakasalalay dito. Nasa interes at tungkulin ng bawat miyembro ng komunidad na pigilin ang anumang kondisyon na yayanig sa pundasyon at pagkasira nito. Dapat sundin ang batas tungkol sa kasal at hindi ang pansariling interes ng mga taong sangkot.

Ang batas na ito ay naka­paloob sa Article XV, Sections 1 to 4 of the Consti­tution.

AYON

CESAR

CONSTI

DAPAT

DAVAO

HUNYO

INULIT

NOONG HUNYO

SAN JOSE

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with