^

PSN Opinyon

Sagutin ng gobyerno pamasahe ng OFWs

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

BILYONG dollar ang ipinapasok ng OFWs sa Pilipinas. Kaya nga sila tinawag na mga “bagong bayani”. Pero sapat na ba ang magandang taguri para sa kanila? Sapat ba ang ginagawa ng gobyerno sa mga pagsasakripisyo ng OFWs.

Kaawa-awa ang kalagayan ng OFWs partikular ang mga nasa Japan at ibang lugar. Maraming Pinoy na gustong umuwi sa Pilipinas dahil sa kaguluhang nagaganap sa kanilang kinalalagyan. Katulad ng mga Pinoy sa Japan na delikado dahil sa radioactive leak.

Ang problema ay hindi sila makauwi dahil sa wala silang perang pamasahe sa eroplano at kung mayroon man ay hindi sapat sa dapat nilang ibayad sa eroplano. Marami ang humihingi ng tulong lalo ang pampinansiyal. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi masagot ng ating gobyerno ang pamasahe. Hindi ba puwedeng ang gobyerno ang makipag-arrange sa PAL para makauwi na ang mga OFW?

Maraming paraan ang magagawa ng gobyerno upang tulungan ang mga OFW. Hindi dapat pabayaan ng gobyerno ang mga OFW na nakakatulong nang malaki sa bansa. Obligasyon naman ngayon ng gobyerno na kalingain ang mga “bagong bayani”.

GOBYERNO

KAAWA

KATULAD

KAYA

MARAMI

MARAMING

MARAMING PINOY

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with