NAGING paksa sa Camp Crame ang tinatawag na 11-day suspension ni dating NCRPO chief Dir. Leocadio Santiago dahil sa pagka-bungle niya ng hostage-taking crisis sa Luneta noong nakaraang Agosto. Sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz na nai-serve na ni Santiago ang kanyang suspension noong March 4 hanggang March 14. Subalit usap-usapan sa Camp Crame na noon lang March 14 na-receive sa opisina ni Dep. Dir. Gen. Perfecto Palad, ang deputy chief for administration ng PNP ang 11-day suspension order.
Birthday ni Santiago noong Miyerkules kaya madaliang itinalaga bilang hepe ng Directorate for Operations ng PNP isang araw bago mag-one year ban on designation and promotion sa PNP. Kapag hindi kasi agad nakaupo si Santiago, hindi na siya makakuha pa ng puwesto at magiging floating status na lang siya hanggang siya ay magretiro. Sa ilalim ng Sec. 25 ng naamyendahang PNP law na RA 8551 hindi na ipromote ang mga opisyal ng PNP kapag lampas na siyang isang taon sa serbisyo. At gustong ipatupad yan ni Interior Sec. Jesse Robredo.
Kung nais arukin ni Robredo ang pagsisinungaling ni Cruz, kunin ang logbook sa message center sa opisina ni Palad. Sinabi ng mga kausap ko sa Camp Crame na nasa entry sa logbook ang pagtanggap ng 11-day suspension order ni Santiago. Sa katunayan, sinabi pa ng kausap ko na nagmi- ting ang top brass ng PNP ukol sa suspension order ni San- tiago at napagkasunduan na ‘wag na i-implement ito. Itinago ng PNP ang suspension order. May alam diyan sina Palad, Dep. Dir. Gen. Raul Castañeda at iba pang staff officers ni PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo.
Hindi na talaga mababago ang PNP kahit abot-langit pa ang pagsisigaw nila tungkol sa Transformation Program. Ang maliwanag kapag ginusto nila, puwedeng iupo subalit kapag ayaw nila ng opisyal na uupo, ang daming dahilan ng mga lider nila. Alam ng liderato ng PNP na mauungkat ang hostage crisis kung saan napahiya sila sa buong mundo sa pag-upo ni Santiago subalit pinilit pa nila. Maaring panandalian lang ang negatibong press sa pag-upo ni Santiago subalit hindi makatutulong sa imahe ng PNP.