^

PSN Opinyon

'Sakit sa puso, diabetes at tamang pagkain'

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

BINABATI ko ang Pilipino Star NGAYON sa ika-25 ani­bersaryo.

* * *

Kaibigan, inipon ko ang 80 artikulo at ipinagsama-sama ito sa isang libro na may titulo na “Sakit Sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain.” Nasa librong ito ang mga artikulo na nailathala sa Pilipino Star NGAYON (PSN) at sa PM (Pang-Masa). Ang paunang salita ay isinulat ni Mr. Miguel G. Belmonte, ang Presidente at CEO ng PSN at The Philippine STAR.

May mga mahahalagang tips tungkol sa mga sumusunod:

Murang Check-up

Tamang Gamutan

Murang Gamutan

Tanong Sa Sex

Mga Sakit Mula Ulo Hanggang Paa

Tips Para Pahabain ang Buhay.

Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansyang almusal.

Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa maraming kanser.

Kumain ng maberdeng gulay at mga prutas, tulad ng mansanas, saging at pakwan.

Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.

Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay – Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.

Tumawa ng 15 minutos bawat araw. Laughter is the best medicine.

Magkaroon ng mabait na kaibigan. Makatutulong siya sa pagtanggal ng stress sa buhay.

Makipag-sex (sa iyong asawa o permanenteng partner) ng mas madalas. Kontrobersyal itong payo pero napatunayang may katotohanan. Ang pa­­kikipag-sex ay isang uri ng ehersisyo at naka­ba­bawas din sa stress.

Umiwas sa bisyo at peligro.

Matulog ng 7-8 oras bawat araw.

Mag-ehersisyo.

Inumin lang ang tamang gamot. Itanong muna sa doktor bago umi­nom ng kahit anong gamot o supplement. Mas ma­inam na magtanong sa 2 doktor para makasiguro na tama ang iyong iniinom.

Umiwas sa araw, usok, alikabok at iba pang polusyon sa lansangan.

Mamuhay lamang ayon sa iyong kakayahan. Umiwas sa pagkabaon sa utang.

Huwag mag-retiro. Laging ituloy lang ang iyong trabaho.

Mababasa ang aking mga artikulo ng libre sa pamamagitan ng website docwillieandliza.com.

Kung gusto ninyo ng kopya ng librong “Sakit Sa Puso, Diabetes, at Tamang Pagkain,” ma­ta­tagpuan ito sa Natio­nal Bookstore.

HUWAG

KUMAIN

MGA SAKIT MULA ULO HANGGANG PAA

MR. MIGUEL G

MURANG CHECK

SHY

TAMANG PAGKAIN

UMIWAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with