The radiation called 'Tsismis'
EWAN ko kung may konsensya ang sino mang nagpasimula ng text messaging tsismis noong Lunes na nagsasabing ang radioactive fallout mula sa sumabog na plantang nukleyar sa Japan ay makakaabot sa Pilipinas.
May isang pamantasan, ang Polytechnic University of the Philippines na naniwala sa tsismis na ito. Antimano, pinauwi ang mga estudyante. Ah, totoong may radiation na nangyari pero hindi ito nukleyar kundi “tsismis” radiation. Mas matindi ang epekto nito sa mga nakakarinig lalu pa’t madaling mapaniwala. Panic!
Payo lang natin sa mga tao – huwag karakarakang maniwala sa mga text messages na hindi naman mapananaligan ang pinagmulan. Makinig lang tayo sa mga official announcement mula sa pamahalaan.
Kagaya nung kumalat na text tsimis. Sinabing brodkas daw ito ng BBC pero kung nagsaliksik ka sa internet sa website ng BBC, walang ganoong report. Kung wala kang computer sa bahay na may internet, sa halagang sampung piso at puwedeng gumamit ng facilities sa mga internet café.
Hindi ako eksperto pero sa aking palagay, kung may nakaaalarmang radiation, ang unang apektado ay ang reception sa radyo at telebisyon, at marahil – ang serbisyo ng mga cellphones.
May mas malala pa ngang mga pagpapasabog ng nuclear bombs gaya ng nangyari noon sa Nagasaki at Hiroshima sa Japan na bagamat nakapinsala sa natu-rang bansa ay hindi nakaapekto sa mga kalapit na bansa. Naririyan din ang mga pagsubok sa mga bombang nukleyar ng Korea at Chi-na na wala ring epekto.
Hindi sa minama liit ko ang naganap sa Japan. Ang puntos lang natin ay hindi tayo dapat makinig sa mga malisyosong tsismis porke nakababahala na nga ang situwasyon matapos ang malakas na lindol sa Japan, tapos pinasasahol pa ng mga disinformation drive ng mga walang magawang matino.
Kung magte-text brigade sana ang mga taong ito, manawagan na lang sa lahat na tumulong sa mga mamamayan ng Japan at mga Pinoy doon na talagang nangangailangan ng suporta.
- Latest
- Trending