^

PSN Opinyon

Renta, Tangay, Tubos (1)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

SA statistika ng Highway Patrol Group sa Camp Crame, simula taong 2000 hanggang taong 2010 ay bumaba ang mga kaso ng carnapping.

Subalit kataka-taka na dumadami ang mga nagiging at naglalabasang biktima ng mga kasong pinarenta ang kanilang sasakyan subalit hindi na naibalik pa sa mga may-ari.

Ito ‘yung tinatawag na modus ng Rent-Tangay.  Rerentahan ng mga miyembro ng sindikato ang isang pribado o di kaya’y for hire na sasakyan.

Makalipas ang ilang linggo at ilang buwan, hindi na ibabalik pa sa may-ari at tuluyan ng tinangay ng mga suspek. At sa katagalan ipapatubos pa sa mismong may-ari ng sasakyan.

Ayon kay HPG Director Leonardo Espina, bagamat madami ang mga biktima ng tinatawag na Rent-Tangay, hindi pasok ang modus na ito sa kaso ng karnaping.

Dalawa lamang ang estilong pasok sa kasong car napping. Una, ay ang tinatawag na stolen while park unattended na ayon kay Gen. Espina, lingid sa kaalaman ng may-ari, kinuha ang kaniyang sasakyan habang nakaparada.

Ikalawa, ang stolen at gun point intimidation na bi­ nan­sagan ng BITAG na forcibly taken. Ibig sabihin, sapilitang pagkuha sa sasakyan ng ginagamitan ng dahas.

Samantalang ang Rent-Tangay, pumapasok lamang sa kasong Estaffa, kung higit sa lima ang nagre-reklamo, syndicated o large scale estaffa.

Ito ay dahil sa naunang transaksiyon sa pagitan ng biktima at ng suspek bago pa tangayin ang mga sasakyan.

Kung sa HPG, labing- isa ang grupo na nasa likod ng carnapping sa kanilang Radar Screen, tatlo naman ang malala­king sindikato na nasa likod ng Rent- Tangay.

Una rito ay ang Domin­ guez Brothers na sangkot sa Lozano-Evangelista Murder-Carnapping Case, Cynthia Campos Group at Evangeline Protacio Group na kasalukuyang nalambat na ng HPG.

Kani-kaniya ng estilo ang grupong ito kung paano mambiktima. Ipinaalam ito sa BITAG ng asset na itinago namin sa panga­lang Allan, may koneksiyon si Allan sa tatlong nabanggit na sindikato     ng Rent-Tangay.

* * *

Abangan ang ikalawang bahagi ng kolum na ito upang huwag mabiktima ng mga suspek sa likod ng rent tangay…

CAMP CRAME

CYNTHIA CAMPOS GROUP

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

EVANGELINE PROTACIO GROUP

HIGHWAY PATROL GROUP

LOZANO-EVANGELISTA MURDER-CARNAPPING CASE

RADAR SCREEN

RENT-TANGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with