^

PSN Opinyon

Bully (1)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

MANDUDURO, mapang-api, naninindak, nananakot at kung minsan may kasama nang pananakit, eto ang katangian ng mga taong tinatawag na bully.

Sa kalsada, sa opisina, sa paaralan at saan mang   institusyon, hindi perpekto. Napapasukan ng mga tinatawag na bully, mapa-bata man o matanda.

Para sa mga paaralan, pribado man o pampubliko, may nakatalagang batas, regulasyon at pamantayan kung papaano mareresolba ang problema sa mga bully.

Nasasaad ito sa student handbook nang bawat eskuwelahan, malimit ay tinatawag itong list of infractions. At bawat paglabag sa nakasulat sa student handbook, may nakalaang parusa o disciplinary action.

Problema na lamang kung mismong mga otoridad o pamunuan ng mga eskuwelahan ang hindi magpatupad ng mga batas at regulasyon na ito.

Katulad na lamang ng ginawa ng principal ng St. James College sa Quezon City kung saan lumipas na ang tatlong buwan matapos ang pambu-bully sa isa nilang estud-yante, wala pa rin itong nagawang aksiyon.

Ang biktima, estudyante rin ng nasabing eskuwelahan at kasalukuyang nasa 2nd year level sa high school. Katorse anyos lamang ang biktimang itinago ng BITAG sa pangalang Paulo.

Trauma, pagkaawa sa sarili at sobrang pagkapahiya ang resulta ng grabeng pambubully sa kaniya ng kaniyang limang kaklase sa St. James College na pawang mga high school din.

Sa salaysay sa BITAG ng batang si Paulo, matagal-tagal na rin ang pambubully na ginagawa sa kaniya ng kaniyang mga kaklase na isang grupo ng kalalakihan.

Nagsimula raw sa simpleng patulak-tulak, panunukso at pagtusok ng ballpen sa kaniyang katawan ang ginagawa ng mga ito. Hanggang noong Disyembre ng 2010,  inaya siyang magkita-kita sa labas ng eskuwelahan.

Ilang hakbang lamang ang layo sa eskuwelahan, pinagtutulakan na raw umano siya sa isang bakanteng lote.

Dito, dalawa sa limang ba­tang lalaki ang nagsilbing look out. Eto raw yung tumitingin at tumitimbre kung sino ang mga dumadating sa bakanteng lote.

Ang dalawa pang kakla­se ay humawak umano sa kaniyang mga kamay. Hanggang ang panlimang kaklase ang sumuntok sa kaniya sa kanang mata at panga.

Nadama ng BITAG ang matinding hinagpis, sama ng loob at takot sa batang si Paulo.

Ayaw na nitong pumasok dahil sa takot na tuksuhin ng mga kaklase sa pagkakasuntok sa kaniya, at takot na muling may gawin ang mga nambugbog na bully…

(Abangan ang ikalawang bahagi)

ABANGAN

AYAW

DISYEMBRE

DITO

ETO

HANGGANG

PAULO

QUEZON CITY

ST. JAMES COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with