'Makati Mayor Junjun Binay, basahin n'yo 'to!' (Huling Bahagi)
ETO na ang huling bahagi ng kolum na ito patungkol sa sumbong at reklamo ng mga empleyado ng accounting department ng Makati City Hall laban kay Cecilio Lim III.
Hanggang sa isinusulat ang kolum na ito, wala pa ring kasagutan ang batang alkalde ng Makati hinggil sa kanilang desisyon sa reklamo ng kanilang mga emple-yado sa asal ng kaniyang shooting buddy na si Cecile.
Maliban sa liham na ipinadala sa BITAG ng HRDO ng Makati na sasailalim sa imbestigasyon at due process etong si Cecile, wala ng ibang aksiyon pang nagawa ang Makati.
Karapatan ni Juan Dela Cruz na malaman kung na-bigyan ng solusyon ang hinaing ng mga empleyado dahil hindi basta-bastang sibilyan na tao ang pinag-uusapan dito.
Taong gobyerno ang inirereklamo sa kasong ito kung saan si Juan dela Cruz din ang nagpapasuweldo. Malaki ang magiging problema kung masama at nakakaapekto sa nakararami ang inaasal ng isang public servant.
Hindi ko alam kung naiintindihan ito ni Mayor Junjun Binay kung kaya’t hanggang sa ngayon, wala pang nangyayari sa reklamo ng kanyang mga tao. Maliban na nga lang sa tumahimik at hindi na nagmumumura etong si Cecile.
Lilinawin lang naming, wala kaming intensiyon na siraan ang pagkatao ng sinumang ireklamo sa aming tanggapan.
Trabaho naming ku westiyunin bilang mga imbestigador sa media ang mga di-katang gap-tanggap na gawain sa lipunan.
Kaya naman inaasahan din ng BITAG na diyan sa Makati City Hall, kayo ang pinagkatiwalaan ng mga mamamayan ng Makati, gawin niyo din ang trabaho niyo ng tama.
Hindi porket huling bahagi na ito ng kolum ko ukol sa kaso laban kay Cecile, hindi ibig sabihin na dito nagtatapos ang imbestigasyon ng BITAG.
Patuloy kaming tututok sa kasong ito hangga’t hindi nasosolusyunan ang problemang ipinagkatiwala sa amin ng mga empleyado ng Makati.
O Cecile, ‘wag kang matuwa at mag-relax, hindi pa tapos sa’yo ang BITAG.
- Latest
- Trending