^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Manguna ang pamahalaan sa pagtitipid sa gasolina

-

MASAMA ang idinulot ng mga kaguluhan sa Middle East dahil apektado ang buong mundo. At ang labis na kawawa ay ang mga maliliit na bansa kagaya ng Pilipinas na umaasa sa produktong pet­rolyo. Kapag nagmahal ang petroleum products, siguradong apektado ang mga presyo ng bilihin. Hahatakin pataas ang mga pangunahing bilihin — bigas, karne, isda, at ang mahihirap ang unang aaray. Nagtaas na ng pamasahe kamakailan lang at umano’y hihirit uli ng panibagong pagtataas sapagkat sa sobrang taas ngayon ng gasolina ay halos wala rin silang maiuwing kita. Pumapalo na sa P52 bawat litro ng gasolina. Kaya maaaring magkasabay-sabay ang bubunuin ng mga mahihirap. Sila ang tunay na apektado sa kaguluhan sa Middle East particular sa Libya na malaking porsiyento ng langis ang nanggagaling doon.

Wala nang iba pang paraan ngayon kundi ang magtipid sa gasolina at diesel. Maganda naman at may ipinalabas na saving tips ang Department of Energy (DOE) kahapon. Unang tip ay mag-carpool daw. Makisabay sa kapamilya, kaibigan kung patungo sa school o trabaho. Mag-commute na lang daw; Ikalawang tip: Siguruhin na may tamang pres­ sure ang mga gulong. Makatitipid ng 5 hanggang 10 percent sa konsumo ng fuel; Ikatlong tip: Iplano ang pagbiyahe para masulit ang paggamit ng sasakyan. Siguruhin ang pupuntahan para tipid na sa gasolina ay tipid pa sa oras; Ikaapat na tip: Iwasan ang matagal na “idling” (nakahinto pero buhay ang makina) ng sasakyan. Patayin ang makina kung lalampas ng 3 minuto ang paghihintay; Ikalimang tip: Iwasan ang biglaang pag-arangkada. Dahan-dahan lang ang pag-accelerate.

Makabuluhan at makatutulong ang mga tip na inanunsiyo ng DOE. At sana ay pangunahan ng pa­mahalaan ang pagtitipid. Atasan ni P-Noy ang bawat tanggapan ng gobyerno na limitahan ang paggamit ng mga sasakyang malakas lumaklak ng gasolina. Ang mga opisyal ng pamahalaan ay piliting mag-LRT o mag-MRT. Kapag pinangunahan ng pamahalaan ang pagtitipid, gagaya ang mamamayan. Tutularan nila ang lider.

ATASAN

DAHAN

DEPARTMENT OF ENERGY

HAHATAKIN

IKAAPAT

IWASAN

KAPAG

MIDDLE EAST

SIGURUHIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with