^

PSN Opinyon

OFWs sa mga bansang nasa magulong sitwasyon

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

MARAMING OFW ang nahaharap sa malaking problema ngayon dahil sa kaguluhang nangyayari sa bansa nilang pinagtatrabuhan, kaya kailangang umaksyon nang mabilis ang pamahalaan upang sila ay tulungan. Ito ang napag-usapan namin ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.

Problemado ang mga OFW sa Libya dahil sa pag­lalaban ng gobyerno at mga nagpoprotesta. Isa sa mga ayudang inaasahan mula sa ating pamahalaan ay ang aksyon upang tiyakin ang kaligtasan ng mga naiipit na OFW, gayundin ang regular na update at komunikasyon sa kanilang mga kaanak.

Sa ganitong usapin ay malaking tulong ang paglalaan ng Department of Labor and Employment sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration ng “libreng-tawag” para sa mga pamilya ng mga OFW na nasa Libya, Bahrain at Yemen.

Ang kolum na ito ay nakikibahagi at tumutulong sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa naturang serbisyo, partikular ang pahayag ni OWWA Administrator Carmelita Dimzon na ang mga kaanak ng mga OFW ay maaaring magpunta sa OWWA Office sa Buendia kanto ng Harrison sa Pasay City upang matawagan nila ang mga kaanak sa mga bansang iyon.

Mayroon din umanong 24-oras na hotline number ang OWWA na puwedeng tawagan ng mga OFW sa numerong 551-1560 at 551-6641 at puwede ring mag-text sa cell phone number 0917-898-6992. Bukod dito, naglaan din umano ang ating pamahalaan ng kaukulang pondo para sa mga OFW at kanilang mga anak na apektado ng mga kaguluhan.

ADMINISTRATOR CARMELITA DIMZON

BAHRAIN

BUENDIA

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

OFW

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PASAY CITY

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with