^

PSN Opinyon

Paglaki ni Pacia

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NANGANGAMUHAN lang dati ang bookies operator ng Maynila na si Delfin Pacia sa nasirang gambling lord na si Tom Sacueza. Subalit sa ngayon, lumaki na si Pacia sa tulong din ng mga retirado at aktibong pulis na umaayon sa lahat ng kagustuhan niya. Hindi namalayan ni MPD director Chief Supt. Roberto Rongavilla ang paglaki ni Pacia dahil sa panlilinlang ng mga retarded este retired policemen na super lakas ang apog kuno kay Manila mayor Alfredo Lim. Kaya hindi ako magtataka kung sa darating na mga araw, si Pacia na ang maghahari sa bookies ng karera sa Maynila dahil walang kayang sumuwag pa sa kanyang operasyon.

Kumpleto-rekado kasi mga suki ang makinarya niya. Ibig kong sabihin, maliit na ang lingguhang intelihensiya ni Pacia dahil sa “payong” operation nya at me tulong pa siya mula sa mga kaalyado niyang retirado at aktibong pulis na puwede niyang utusan para ma-raid ang mga puwesto ng kalaban niya. Kaya’t sa susunod na mga araw, mamamatay ang negoyso nina Erlan Samson, Apeng Sy at Boy Abang dahil sa sistema ni Delfin Pacia, di ba mga suki?

Ang mga aktibo at retiradong pulis kasi na nakapaligid kay Pacia ay karamihan mga “Tong Kolektor” ng mga ope-rating units ng PNP, GAB, Napolcom, CIDG, SILG at iba pa. Kaya kapag nabigyan sila ng go signal na mang-raid, ang una nilang hahambalusin ay ang mga puwesto ng kalaban ni Pacia. Ang ibig kong sabihin mga suki, papatayin sa gastos ng mga kaalyado ni Pacia itong sina Sy, Abang at Samson. At presto….umiiyak ang kalaban niya sa gastos sa korte samantalang si Pacia ay pasipol-sipol lang habang nagdedeposito sa banko ng kinita niya. Kung ang mga aktibo at retiradong pulis ay nakikinabang sa “payong” operation ni Pacia, ganundin ang huli sa pangri-raid ng mga butas ng kalaban. Kung hindi nabusalan ni Sacueza itong si Pacia noon, eh di naiwan ding tulala ang asawa at anak nya na pumalit (kuno) sa negosyo niya.

Para sa kaalaman ni Interior Sec. Jesse Robredo ang mga pulis na nasa kuwadra ni Pacia ay sina Ver Navarro, Arnold Sandoval, Mike Morellos, Von Cruz, Noel de Castro, Joji Marcelo at alyas Paknoy. Kung seryoso si Robredo na linisin ang hanay ng PNP ng tiwaling pulis, unahin niya ang mga kaalyado ni Pacia. Ang mga butas ng mga pulis ng karera ay matatagpuan sa 912 cor. Elcano at Recto St., 520 Padre Rada St., 1759 Tecson de Guia malapit sa Villaruel Nicolas St., at 1713 cor. Yakal at Nicolas St., lahat sa Tondo. Ang iba naman ay sa Sta.Cruz sa 1257 Bambang St., 1866 cor. Antipolo at Vision Sts.; 2433 cor. Kalimbas at Cavite Sts.; 2052 Anacleto St. sa gitna ng Yuseco at Herrera Sts.; 2245-A.cor. M. Natividad at Laguna Sts.; 1914 cor. K. Loob at Tayuman Sts.; 1249 Tambunting St.; 2906-N Tambunting St.; 2032 cor. Elias at Consuelo Sts.; 2230 cor. M. Natividad at Laguna Sts.; at 1535-B cor. Milagros at Quiricada Sts.

Alamin lang ni Robredo kung sinu-sinong aktibong pulis ang nasa likod ng racehorse bookies operation na ito at ipatawag at parusahan sila. Iutos din ni Robredo sa PNP na i-raid ang mga butas na binanggit ko para tuluyan nang mawala ang illegal na negosyo nila. Abangan!

vuukle comment

ALFREDO LIM

COR

DELFIN PACIA

KAYA

LAGUNA STS

PACIA

PULIS

ROBREDO

STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with