^

PSN Opinyon

Raket ni Pacia

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ITONG raket ng mga retirado at aktibong pulis at alyas Delfin Pacia ang dahilan kung bakit hindi masawata ang illegal gambling sa Maynila. Kahit pursigido pa si MPD director Chief Supt. Roberto Rongavilla, ang NCRPO, SILG, CIDG, Napolcom, GAB at iba pang operating unit ng gobyerno, hindi sila uubra sa tropa ni Pacia. Ito kasing mga retirado at aktibong mga pulis sa Maynila mga suki ay may sariling negosyo na racehorse bookies at nakapa­yong silang lahat kay Pacia. Kaya kahit anong raid pa ang gawin ng mga operating unit ng gobyerno ni P-Noy, hindi mapapatigil ang tropa ni Pacia. At ang naiwang tulala ay ang mga kolektor dahil hindi nila masasambot ang lingguhang tara sa kanila.

Ganito kasi ang sistema ng raket ni Pacia. Itong mga retirado at aktibong mga pulis ay pumapayong sa kanya para mabawasan ang kanilang lingguhang intelihensiya. Kapalit nyan, nagbabayad sila ng P1,000 kada linggo kay Pacia. Kung ang dinideklarang puwesto halimbawa ni Pacia ay 300 butas, hindi kasali rito ang nakapayong sa kanya. Ang ibig kong sabihin mga suki, ang P1,000 ay direkta na sa bulsa ni Pacia. At kapag nahuli ang mga butas ng aktibo at retiradong pulis, aaminin ito ni Pacia na kanya at natural pakakawalan dahil “pasok” naman ito sa mga operating unit. Sa sistema ni Pacia lumiliit ang lingguhang intelihensiya na nakukuha ng mga operating unit. Itanong n’yo yan kay Rongavilla at tiyak nabiktima siya ng sistema ni Pacia. Kasi nga ilang beses nang nagpalit ng kolektor si Rongavilla dahil hindi nila makukuha ang target collection dahil sa raket ni Pacia. Ang ilan lang sa mga pulis na nakapayong kay Pacia ay sina Arnold San­doval, Joji Marcelo, Bong Cruz at Paknoy.

Ang mga puwesto ng akti­bo at retiradong pulis ay makikita sa Tondo: sa 831 Linampas St.; 2568 Kalimbas St.; 753 cor. S. Trinidad at Raxa­bago St.; 2539 cor. G. Ipil at Cavite Sts.; 2925 cor. Molave at Morong Hermosa Sts.; 2634 cor. S. Reyes at Cavite Sts.; 1370 cor. T. Bugallon at Tecson Sts.; 1063 cor. 19 de Unyo at Solis Sts.; 810 cor. R. Almario at Dagupan Sts.; 3464 AB Tan, Bo. Obrero; 2015 cor. Almeda at Tayabas Sts.; 1916 Almeda St.; 2118 Int. Almdea St.; 739 E. Solis St.; 2107 cor. Bato Ext. at Tayabas Sts.; 1065 Int. 23 Calle Villaneuva, New Antipolo; 2511 cor. S. Del Rosario at del Pierro Sts., 646 Pag-asa St., Gagalangin; 2535 cor. Bulacan at Bato Sts., Gagalangin; 612 cor. Callejon at R. Fernandez Sts., Gagalangin; 609 cor. Corcuerra at Zamora Sts.; 660 Hermosa St. sa gitna ng Benita M. Clemente; 1953 J. Luna St., Gaga­langin; 1112 cor. Roxas at Sta. Rita sa Sta. Elena; 1722 cor. Velasquez at Dandan Sts.; 164 Blk 6 6 Maba Court Roxas St.; 524 Esguerra St.; 2437 Everlasting St., sa Vitas; 1700 cor. S. Nicolas at Tindalo Sts.; at 817 Tahimik Sts. Whew, ang dami!

vuukle comment

ALMDEA ST.

ALMEDA ST.

ARNOLD SAN

CAVITE STS

COR

GAGALANGIN

PACIA

STS

TAYABAS STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with