^

PSN Opinyon

Editoryal - Huwag tumanggap ng padala

-

MGA overseas Pinoy worker ang ginagamit ngayon ng mga sindikato ng droga. Ginagawa nilang “mules” o tagabitbit ng droga. Yung iba nag­ papakasangkapan para kumita at meron naman na hindi talaga alam na may bitbit silang droga. Mas masakit kapag nahuli ang OFW na may droga gayung hindi naman talaga siya drug trafficker. Pinakiusapan lamang siyang dalhin ang package at huli na nang malaman niyang illegal drugs pala ang laman. Ang kapalit ng pagdadala niya ay kanyang buhay sapagkat bitay ang parusa sa drug traffickers.

May isang pangyayari na isang OFW sa Saudi Arabia ang pinakiusapan ng isang kakilala para magpadala ng package para umano sa kamag-anak doon. Ang package ay nasa isang kahon ng sapatos at ibinigay sa OFW isang araw bago ang departure sa Saudi. Ayon sa nagpadala, ang laman ng package ay mga “butong pakwan” lang. Dahil “butong pakwan” lang ay hindi na nag-aksayang inspeksiyunin pa ng OFW ang package.

Nang dumating sa Saudi airport at buksan ang dalang package, “butong pakwan” nga ang laman. Subalit naghinala ang Saudi authorities kaya ipinasuri ang mga “butong pakwan”. Hanggang sa matuklasan na ang mga “butong pakwan” ay may kahalo palang shabu. Inaresto ang OFW at ikinulong. Hindi na nalaman pa kung ano na ang kinahinatnan ng OFW sapagkat mahigpit ang mga awtoridad. Hindi na rin naman nalaman kung nasaan ang taong nagpadala sa kanya ng “butong pakwan”.

Halos ganito rin ang kaso ng Pinay na si Sally Ordinario na nahulihan ng apat na kilo ng cocaine sa China. Si Sally ay isang OFW umano sa Macau. Isang babae umano ang nakisuyo kay Sally at nagpadala ng isang attaché case. Selyado ang attaché case. Pagdating sa China, natuklasan ang heroine sa loob niyon. Hinuli at agad nasentensiyahan ng bitay si Sally kasama ang dalawa pang Pinoy drug traffickers. Sa huling balita, ipinagpaliban ang pagbitay sa tatlo.

Babala sa mga OFW na huwag tumanggap ng padala. At kung may magpapadala, inspeksiyunin ito bago lumabas ng bansa. Magkaroon ng aral sa nangyari.

AYON

ISANG

OFW

PINOY

SALLY ORDINARIO

SAUDI ARABIA

SI SALLY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with