^

PSN Opinyon

Abra Lodge 86

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

TODAY, ang installation of elected and appointed offi­cers ng Abra Lodge  86 kaya naman iniimbitahan nila ang buong Masons and families sa Philippines my Philippines na dumalo sa kanilang gagawin ceremony.

Ang mga bagong uupo sa abra Lodge 86 sa taon 2011-2012 ay sina WM-Hamilcar P. Bigornia, SW Benildo Co, JW  Rufino Ramos. Treasurer VW Dionisio Delizo, Secretary WB Santiago Wilson Bolante, Auditor VW Antonio Balderama. Chaplain Ronald Balao-as. Marshall  VW Henry Crisologo. Sr. Deacon  Gabriel de la Vega., Jr. Deacon-Custer Brillantes, Lecturer  VW Jaime Bernardez Jr., Bible bearer  Joel  Dumar, Orator Jose Abaya II,  Almoner  Mario Baquiran, Sr Steward  Carlito Barreras, Jr. Steward  Jude Bigornia, Organist  Bernardito Dumpit, Tyler WB Arnel Valera.

  Ngayon alas-8 ng umaga sa Abra Proviniclal Capitol social hall, 3rd floor Capitol building, Benguet, Abara gaganapin ang makasaysayan pagpapalit ng mga official ng nasabing Loya kaya ang huwag na hindi kayo dadalo sa nasabing okasyon.

Sabi nga, come one, come all!

Ano pa ang hinihintay ninyo bihis na, punta na matindi at masasarap ang mga putahe na handa at mga inumin pantaranta nila.

Mayor Fred Lim, read this!

MUKHANG hindi makontrol ang pagdamit ng mga adik-adik dyan sa Barangay 182, Zone 16 sa Gagalangin Tondo, Manila, na kilalang-kilala ng mga barangay sa nasabing lugar.

Mayor Lim, pakikalampag si MPD chief Robert Rongavilla para ma-sona ang lugar at madampot ang mga adik-adik dito.

Grabe as in grabe pugad na daw ng adik ang lugar ng  G. Santos St. at Danaganan St., hindi kayang supilin ng mga barangay dito kaya naman nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit hindi sila humingi ng saklolo kay Mayor Lim o kay PDEA Chief Sonny Guiterrez para malinis sa mga sugapa sa droga ang nasabing lugar.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang ginagawa o natutulog sa pansitan ang mga foolish cop sa station ng police at naghihintay lamang ng mang­yayari bago magsikilos ang mga ito.

Dapat sigurong pasibak ang mga foolish cop dito at palitan na silang lahat,  General Rongavilla, Sir?

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, may isang maangas na ex- foolish cop alyas spirit dyan sa may Danganan St., na up to now ay nagsusukbit pa ng boga para takutin ang madlang people sa kanilang lugar.

Marami kayang atraso si spirit kaya nakasukbit pa ang boga nito sa kanyang katawan?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, patong as in kasangga ng ex-cop ang mga adik sa kanilang place porke sumisinghot din ito ng floorwax este mali shabu pala kasama ang kanyang mga alipores, kabit at mga anak-anakan na adik.

General Rongavilla, Sir, hihintayin pa ba natin may madisgrasiya si spirit sa kanyang lugar bago umaksyon ang tutulog-tulog na foolish cop na may sakop sa lugar nito?

PDEA Director Sonny Gutierrez, planuhin na ninyo ang nasabing lugar para kung positive ang impormsyon ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masungkit na ninyo ang mga adik-adik dyan.

Mayor Lim, ikaw na ang bahala!

Abangan.

Don Ramon ng Kyusi

KAYA pala malakas ang loob ng mag-watot na Santiago, alyas Don Ramon, ang gambling lord sa Kyusi dahil ipinagmamalaki nito ang kamag-anak nila si  Elmo ‘ulo,’ dating parak sa QCPD.

Si Don Ramon, ang may pasugal ng 137 lotteng sa kyusi at may pa bookies ng Small Town Lottery sa Mindoro.

Si Boyet Kalabaw, ang bata ni Don Ramon na gumagasgas sa pangalan ni QCPD Director Mantele pagdating sa usapin illegal gambling.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

ABANGAN

ABRA LODGE

ADIK

DON RAMON

GENERAL RONGAVILLA

LUGAR

MAYOR LIM

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with