^

PSN Opinyon

Baka 'iligpit' ang Dominguez Bros

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

DAHIL sa paglabag sa batas trapiko, nalambat nang walang kapagud-pagod ng Quezon City Police Department (QCPD) ang madulas at kilabot na lider ng Dominguez carnapping syndicate na si Roger Dominguez. Hindi umubra ang pagpakilala ni Dominguez na pulis siya.

Mula nang mapatay ang mga car dealer na sina Venzon Evangelista at Emerson Lozano at driver nito na si Ernani Sencil noong Enero, naging abala na ang QCPD, Regional Police 3 at National Capital Region Police Office sa paggalugad sa kalakhang Luzon. Ngunit hindi nila makita si Roger Dominguez. Ang kapatid nitong si Raymund Domingez ay sumuko na. Mula noon, walang balita kung saan nagtatago si Roger Dominguez dahil nabaling ang istorya sa pabaon at pasalubong sa mga heneral ng Armed Forces of the Philippines, hanggang sa mangyari ang pagpapatiwakal ni dating secretary Angelo Reyes.

Nalambat si Roger Dominguez kasama si Jayson Miranda dahil sa isang traffic violation sa Timog Avenue, Quezon City. Sakay sina Dominguez ng Mitsubishi Outlander na may plakang ZTF-944. Na-inquest na ng QCPD sina Roger Dominguez at Miranda sa Quezon City Fiscals Office. Nananalangin naman ang sambayanan na isiwalat na nina Dominguez ang kanilang mga handler sa Philippine National Police, Land Tranportation Office at Fiscals Office. Sabi ng mga nakausap ko sa Manila Police District, lalong malalagay sa panganib ang buhay ng dalawa kapag naging tikom ang kanilang mga bibig sa pagsiwalat ng mga opisyales na sangkot sa kanilang illegal na operasyon.

Sa aking palagay, tama ang sinabi ng aking mga nakausap dahil sa ngayon hindi lamang mga pulis ang naghahabol sa kanilang buhay kundi pati ang mga ahensyang kanilang kakutsaba. Tiyak na inihahanap na sila ng kanilang “paglalagyan” upang manatiling lihim ang mga sangkot.

Calling PNP chief Director Gen. Raul Bacalzo at NCRPO chief Nicanor Bartolome, pakibigyan ng isang katerbang proteksyon ang magkakapatid na Dominguez at baka magkatotoo ang balitang kumalat. Abangan!

ANGELO REYES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DIRECTOR GEN

DOMINGUEZ

EMERSON LOZANO

ERNANI SENCIL

FISCALS OFFICE

JAYSON MIRANDA

ROGER DOMINGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with