Jueteng sa Baguio sinalakay ng NBI
ISANG grupo ng sinasabing inner circle ng isang opisyal sa National Bureau of Investigation ang umakyat ng Baguio the other week para bakbakan si Boy Aquino, ang bagong jueteng lord na nasabing province.
Isang Ogie ‘blangka’, ng Bulacan agent U2-10 sa NBI ang nanguna sa raid at tatlong araw pang inistambayan ang mga lungga ni Boy Aquino sa Baguio. Alam kaya ni NBI Director Magtanggol Gatdula, ang pinaggagawa ng mga ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming nahuling kubrador kasama siempre ang mga kabo ni Boy Aquino sa Baguio pero asan kaya sila ngayon? Tinuluyan ba o pinakasal este mali pinakawalan pala pagkatapos maglagay?
Naku ha!
Totoo kaya ito, Ogie?
Nilayasan ni Luding, ang orihinal na jueteng lord ng Baguio dahil na-pressure ito sa grupo ni Boy Aquino porke ito daw ang binigyan ng basbas ng mga foolish cop sa nasabing rehiyon.
Si Luding bokal ling-ling, ay bumaba ng La Union at doon ipinagpatuloy ang kanyang jueteng operasyon kaya naman nananagana daw ang mga tulisan este mali foolish cop, mga kamoteng barangay na binibigyan ng komisyon sa dayaan bolahan ng una.
Kanino kaya galing ang mission order ni Ogie kay Director Gatdula para birahin ang Baguio jueteng operations ni Boy Aquino?
Bakit hindi ginalaw ang grupo ni Luding sa La Union na matindi rin ang jueteng?
Sana maayos ang after operation report nina Ogie para naman masiyahan si DOJ Secretary Leila de Lima.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may grupong gustong tapakan ang operasyon ni Boy Aquino para ang pasugal nila ang pumalit.
Abangan.
CIDG - NCR
MAGANDA daw ang kubransa ng PNP CIDG-NCR sa mga sugalan sa Metro-Manila kaya naman pati ang kanilang amo ay nakangiti sa ganda ng koleksyon.
Ang grupo ng isang Buboy Go, ang video karera king sa Malabon City ay hindi man lang inuuga ng CIDG-NCR kahit na magumon ang mga bata sa kasusugal sa mga makinang may daya ay walang pakiaalam ang mga foolish cop.
Ang jueteng sa CAMANAVA at Quezon City ay ganoon din nagbubulagbulagan ang CIDG-NCR kaya hayun lumalawak ang dayaan bolahan doon. SILG Jesse Robredo alam mo ba ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila nagtataka kung matindi ang operasyon ng sugalan sa Metro-Manila dahil sinasabing pabaon daw ito sa isang official ng PNP na saying goodbye sa kanyang puesto.
Sabi nga, malapit na, ilang buwan na lang!
Naku ha!
Totoo kaya ito, CIDG bossing Nilo dela Cruz at siempre si alyas Wilson ‘know you’?
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit hindi mabulabog ni Wilson ‘know you,’ ang grupo ng mag-watot na Santiago, aka Don Ramon at ang mga bataan nitong sina Boyet Kalabaw at Ver bikol.
Nagtatanong lang naman?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas matindi ang jueteng operations ng isang ‘perlan’ Samson sa Manila dahil naglalaban-laban ang mga kabo sa Paco, Tondo at Blumentritt.
Alam kaya ito ni Manila Mayor Fred Lim?
Abangan.
- Latest
- Trending