^

PSN Opinyon

Co - terminus si Condelina Amata

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

PARANG namatayan ang mga employees dyan sa National Livelihood Development Corporation dahil 2 weeks na pala silang nakasuot ng black armbands hindi dahil naglalamay ang mga ito kundi nagpoprotesta sila versus sa kanilang panggulo este mali pangulo pala na si Condelina Amata, na itinalaga noon ni former Prez Gloria Macapagal Arroyo, na kanyang Cabalen.

Sinisinghal ng mga employees sa nasabing tanggapan na dapat na ito lumayas sa kanyang puesto dahil co-terminus siya kay GMA last July 1. 2011 siya sumibat.

Ang ahensiya ay nakatirik sa Makati City at ginagamit bilang isang wholesale lending agency para magbigay ayuda tulad sa rural banks, farmer associations and cooperatives sa kanilang loan applications.

Sa letter sa malakanin este Malacañang pala, inapi este mali umapila pala  si Dante P. Zamora, presidente ng NLDC Employees Association, na dapat ng alisin sa pwesto si Amata dahil ang kanyang appointment ay isang co-terminus.

Sa answer ni Assistant executive assistant Rolando A. Geron patungkol sa appointment ni Amata,  dapat wala sa pwesto ito noon pang October 31 noong isang taon dahil siya isang co-terminus  kay GMA na nag-appoint sa kanya.

Pero ano ang ginawa ng Malacañang regarding this matter?

Sagot - Wala!

Kaya naman ang mga employees todits ay nag-alsa balutan este nagpo-protesta pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  sinabi daw ni  Geron, dapat  next-in-rank o ang pinaka-senior na official ng ahensya and dapat pumalit kay Amata bilang officer-in-charge noon pang isang taon ng si Presidente Aquino na ang nakaupo sa Palasyo.

Bakit ganito parin Mr. Geron?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa dalawang pahinang sulat ni Geron, dapat daw ay hindi na pumipirma sa mga tseke at importanteng papeles si Amata at baka makasuhan sa siya ng administratibo at paglabag sa civil service laws.

Ano pa ang hinihintay ninyo dyan sa malakanin este mali Malacañang?

Up to now ay pakaang-kaang kayo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  sinabi ni Zamora, hindi sila titigil sa kanilang protest action habang sila ay nag-oopisina dahil hanggang ngayon ay hindi pa binibigay ni Amata ang kanilang salary benefits na dapat noon pang 2009.  

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinabi pa daw ni Zamora, dapat din daw agad alisin ng Malacañang ang pitong board of directors ng ahensya dahil sila ay mga appointee rin ng Arroyo administration at mga kakuntsaba ni Amata sa mga masilang transaksyon ng ahensya.

Ang NLDC ay dating National Livelihood Support Fund at dati ring Livecor, na isang GOCC na sa ilalim ng Department of Agriculture.

Si Amata ay tinalaga bilang presidente noong December 2005 sa ilalim ng NLSF hanggang naging NLDC noong November 2007, na kung saan ito ay naging attached agency na ng Land Bank of the Philippines.

Abangan!

Si Buboy, anak ni Luding sa Baguio

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi naman gaanong malakas magsugal si baboy este mali Buboy, ‘bokal ling-ling’ ang anak ni Luding sa Baguio kapag nagka-casino ito sa may Hyatt dahil nagpapatay lamang ito ng oras doon matapos manggaling sa sabungan ang kamote.

Sabungero ang mag-ama at hindi basta mananabong kundi bigtime ang mga ito.

Sabi nga, malakas manaya!

Si Buboy, ‘bokal ling-ling’ anak ni Luding ang may hawak ng jueteng operations sa Baguio, La Union at Ilocos Norte nasira ang kanilang diskarte ng magngangawa si Bishop Oscar Cruz kamakailan kaya nahinto ang malakihang kubrahan ng 137 sa nasabing lugar.

Last New Year, inumpisahan ng mag-erpat ang dry run operation ng kanilang dayaan bolahan para pakiramdaman kung may titira sa kanilang PNP.

Nang walang tumira sa kania at nagbigay ng blessing ay itinuloy nila up to now ang jueteng operation sa mga nasabing lugar.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang Singson ang humahawak sa Ilocos Norte at La Union ng pasugal ni Luding.

Samantala sa Baguio at karatig lalawigan nito ang mag-erpat na Buboy ‘bokal ling-ling’ anak ni Luding ang naghahari sa nasabing mga probinsiya.

Abangan.

AMATA

AYON

DAHIL

DAPAT

GERON

ILOCOS NORTE

LA UNION

MALACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with