^

PSN Opinyon

Dalawa lang ang marunong?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

AMINADO ang PNP na walo sa 10 pulis na nag-iimbestiga ng mga krimen ay wala talagang pormal na pagsasanay sa tamang pag-iimbistiga sa mga krimen, lalo sa mga crime scene. Kaya kadalasan ay natatalo ang kaso dahil sa maling proseso, maling pamamaraan o kawalan ng simpleng sentido komon! Bakit pala tayo magtataka kung maraming kriminal ang nakakatakas, kasama na si     General Garcia, kung 80 percent ng mga imbestigador ay hindi marunong mag-imbestiga? Na walo sa 10 im-bestigador ay wala naman talagang pormal na training!

Minsan, nakikita ko nga sa TV iyan. Mga pulis na naglalakad lang basta-basta sa isang crime scene. Mga umuupo kahit saan, nakatayo kahit saan. Mga walang guwantes kapag nasa loob ng crime scene. Hindi na kailangang aminin ng PNP dahil nakikita naman! Nagkaroon ng interes sa mga crime scene at pagkuha ng ebidensiya dahil sa palabas na CSI: Crime Scene Investigation. Namangha ang lahat sa ganda ng kagamitan na nakita sa TV sa pagsamsam ng ebidensiya, na ayon sa palabas ay hindi nagsisinungaling.

Pero kahit anong laboratoryo sa Amerika ay hindi ka-sing-kumpleto ng mga nakikita natin sa TV. Ganunpaman, maraming tamang proseso sa pagsamsam ng ebidensiya mula sa crime scene, na hindi alam ng karamihan ng pulis. Ultimong tamang paglagay ng posas, marami ang hindi rin alam gawin! Maganda naman at mismo ang hepe ng PNP ang umamin nito, kaysa ang media o ang publiko pa ang makapansin. At maganda rin na isinasailalim na ng PNP sa mga pormal na training ang mga imbestigador.

Dapat ay babad sa training at hasa sa trabaho ang lahat ng klaseng pulis – maging imbestigador ng mga crime scene, pag-rescue ng hostage, pangontra sa mga terorista, pati sa patakbo ng maayos sa trapik – dapat propesyonal ang PNP sa lahat ng aspeto. Ang mahirap ay kung papayagan na lang kung sinu-sino ang magi-ging pulis na hindi naman dapat, at kung palalampasin na lang na walang mga pormal na training. Malaki ang responsibilidad ng pulis. Kaya hindi puwede ang “puwede na” sa pulis. Sa PNP, maraming ganun. Naging pulis kahit hindi naman karapat-dapat. Kaya nagiging kriminal na rin kinalaunan. Sana ay seryosohin ng kasalukuyang PNP chief ang mga pagbabagong ito para maibalik ang respeto sa mga pulis.

AMERIKA

BAKIT

CRIME

CRIME SCENE INVESTIGATION

GENERAL GARCIA

KAYA

PULIS

SCENE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with