Atty. Mak Medyo Makapal
HINDI makakalimutan ng buong sambayanang Pilipino ang isinigaw noon ni Ms. Susan Roces na si Gloria Macapagal Arroyo “stole the Presidency not just once but twice.”
Alam ng mga Pilipino na si GMA ay naging pekeng presidente. Kung mayroong tinatawag na “judicial notice” kung saan ang isang huwes ay hindi na mangangailangan ng pruweba para patunayan pa ang isang maliwanag na bagay, ay mayroon din namang tinatawag na “public knowledge” kung saan ay hindi na kailangang ilantad pa sa publiko ang mga ebidensiya ng isang pangyayari na napaka-obvious na tulad ng pandaraya at pagnakaw ni GMA ng panguluhan noong 2004.
Ang mga collaborators o co-conspirators niya ay sina Garci, at sangkaterbang mga heneral na pinangunahan ni Hermogenes Esperon. Ang abogado naman niya na nagpumilit na paniwalain ang mga Pilipino na siya ay hindi peke ay si Atty. Romulo Makalintal na gusto ngayong maging chairman ng Comelec.
As usual, medyo makapal ang diskarte ng mamang ito na ka-liga ni Garci, Lintang Bedol, Esperon at marami pang iba. Kapag umusad na ang mga kaso ni GMA, isa si Mak sa mga maging akusado bilang accessory, accomplice o conspirator. Payong kapatid pare ko’y, hinay-hinay na ha? Tapos na ang fiesta.
- Latest
- Trending