^

PSN Opinyon

Editoryal - Retraining ng mga pulis

-

PARA mabawi ang nadungisang imahe? Siguro nga ay ang muling pagsasailalim sa training ng may 670 pulis sa buong bansa ang magpapabago sa mga pulis. Ayon sa Philippine National Police, dadaan sa ilang linggong pagsasanay ang mga pulis. Bibisitahin umano ni PNP chief Dir. General Raul Bacalzo ang mga pulis na magti-training at ipaalala sa mga ito ang kanilang sinumpaan na “magsisilbi at poprotektahan” ang mamamayan. Ayon pa rin sa PNP, ang retraining ng mga pulis ay para ma-improve ang ugali at imahe ng mga ito.

Maganda naman ang naisip na retraning ng mga pulis. Maaari ngang may matutuhan ang mga ito at hindi na mauulit ang mga masasamang gawain na nagpabagsak sa imahe ng PNP. Malaki ang maitutulong ng retraining para maibukas ang isipan ng mga pulis sa tunay nilang obligasyon sa mamamayan. Kahit paano, maaaring mabawasan ang mga scalawag na pulis pagkaraang sumailalim sa training. Maaaring tumimo na sa kanila ang mga natutuhan sa pagsasanay.

Pinakamasamang taon ang 2010 para sa PNP. Maraming “bugok” na miyembro ng PNP ang nagpaalingasaw ng kanilang baho. Pinag-usapan sa buong mundo ang pangho-hostage ng isang pulis sa walong Hong Kong nationals habang nasa bus sa harapan ng Quirino Grandstand noong Agosto 23. Pinagbabaril ng pulis ang mga turista.

Bago pa ang pangho-hostage ng pulis, isang hepe ng pulis sa Balut, Tondo ang nakunan ng video habang pinapalo ang isang suspect sa loob mismo ng police station. Tinalian pa ng hepe ang ari ng suspect at hi­ni­hila kapag tumatangging sumagot sa tanong niya.

Bago natapos ang 2010, isang pulis sa MPD ang nanggahasa ng isang vendor sa loob mismo ng opisina. Bukod sa ginahasa, ninakawan pa ng pulis ang vendor ng P4,000 at kinuha pa ang cell phone.

Bago sumapit ang Pasko, apat na pulis QC ang itinurong kumidnap at nang-salvage sa dalawang Indian nationals at saka itinapon sa dalawang magkakahiwalay na lugar. Nakaligtas ang ikatlong Indian na isasalvage kaya ito ang nagturo sa mga bugok na pulis QC para kasuhan.

Retraining sa mga pulis ay mahalaga. Pero para sa amin, pinaka-epektibo ay ang paghihigpit sa pagkuha ng aplikanteng magpupulis. Idaan sa butas ng karayom ang mga magpupulis. Huwag hayaang may makalusot na “bugok”.

AGOSTO

AYON

BIBISITAHIN

BUKOD

GENERAL RAUL BACALZO

HONG KONG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PULIS

QUIRINO GRANDSTAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with