^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pulis marungis

-

“TO Serve and to Protect”. Iyan ang motto ng Philippine National Police. Pero sa mga sunud-sunod na nangyari noong nakaraang linggo (at sa mga nakalipas pa) na sangkot ang mga miyembro ng PNP, walang makitang katotohanan sa kanilang motto. Walang makitang magsisilbi sila at magpoprotekta sa mamamayan.

Hindi naman lahat ng pulis ay masasama sapagkat marami pa ring tapat sa kanilang tungkulin pero hindi maiaalis sa mamamayan na ang tingin na rin sa kanila ay marungis. Mahirap nang maalis sa isipan ng mamamayan ang dungis na ikinulapol ng mga miyembro. Katunayan, makita lamang ang asul na uniporme ng pulis ay iba na ang ibig sabihin --- mamamatay-tao, kidnapper, hulidaper, protector ng drug syndicate at rapist.

Noong nakaraang linggo, natagpuan ang dalawang bangkay ng Indian nationals na hinihinalang kinidnap at pinatay ng limang pulis mula Quezon City Police Department (QCPD). Ang isang bangkay ay natagpuan sa Bataan at ang isa ay Pangasinan. Sinibak na ang mga pulis na sangkot.

Noong nakaraang linggo rin kinilala ang isang pulis mula sa Manila Police Department (MPD) na nanggahasa sa isang babaing vendor sa loob mismo ng opisina. Ayon sa vendor sa ibabaw ng mesa siya ginahasa ng pulis.

Noong Disyembre 31, 2010, isang pulis-Pasig ang lantarang binitbit ang kanyang Armalite makaraang sitahin ng mga security guard sa isang mall sa Ortigas dahil sa maling parking. Nagkaroon ng pagtatalo. Nakunan ng CCTV si Senior Insp. Oscar Magsibang habang sakbat ang baby Armalite at palakad-lakad na para bang handang makipagbarilan. Nagpasaklolo pa siya sa mga SWAT. Agad namang umaksiyon ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) at sinibak si Magsibang sa puwesto.

Dalawang buwan na ang nakararaan, dalawang pulis ang tinangkang i-salvage ang isang babae sa La­guna. Sinaksak at binaril ang babae at inihulog sa bangin pero nabuhay ang babae at isinumbong ang karumal-dumal na ginawa ng dalawang pulis.

To Serve and to Protect. Magsisilbi at Mangangalaga. Hindi ganyan ang nakikita ngayon sa ilang mi-yembro ng PNP. Isang dapat gawin ng PNP ay maging maingat sa pagkuha sa mga aplikanteng magpupulis. Idaan sila sa matinding pagsusuri sa katauhan at baka ang makuha ay mga “halimaw”.

ARMALITE

ISANG

MANILA POLICE DEPARTMENT

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NOONG

NOONG DISYEMBRE

OSCAR MAGSIBANG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with