Pang 11-taon na zero ang Davao City!
Di na talaga natuto ang ating mga kababayan. Hayon 546 na naman ang biktima sa paputok sa stray bullets sa pagsalubong ng bagong taon.
At karamihan sa mga biktima ay sa National Capital Region, kasali na ang Metro Manila area na kung saan pinakamarami ang naputukan at natamaan ng stray bullets. Sinundan ang NCR ng Ilocos Region na nagtala ng 35 biktima at ng Western Visayas na may 29 na biktima rin.
Kahit ilang ulit ang babala ng Department of Health at maging ng Philippine National Police talagang matigas ang ulo ng ating mga kababayan. Kaya, hayon nagdurusa sila sa sakit ng naputulan ng kamay o maging mabulag o ang iba ay namamatay.
Ngunit kami rito sa Davao City ay zero-casualty na naman kung ang pag-usapan ang mga naputukan o natamaan ng stray bullets nitong nagdaang New Year’s Eve revelries.
Nasa pang labing-isang taon nang zero-casualty ang Davao City tuwing New Year at maging Christmas Eve, ito ay bunsod nga sa pinapairal na ban on firecrackers at pyrotechnics sa lungsod.
Naging epektibo ang implementation ng nasabing local ordinance dito sa Davao City dahil labing-isang taon na ring walang dinadalang pasyente sa mga emergency rooms ng aming mga ospital rito.
Medyo malakas ang ulan mga ilang oras bago mag-alas dose ng hatinggabi upang salubungin ang Bagong Taon at medyo nakatulong din ito sa pagpaalala sa mga mamamayan na huwag magpaputok.
Ayon sa aming Central 911 Emergency Response Center dito, walang tawag ng kung anumang emergency hinggil sa paputok sa Bagong Taon.
Kung may ilan man na dinala sa mga ospital rito noong New Year’s eve, hindi sila mga taga-Davao City kung di mga taga-kalapit bayan na kung saan pinapayagan silang magpaputok ng firecrackers at pyrotechnic materials tuwing Kapaskuhan.
May labing-isang taon nang maligaya kami rito sa Davao City sa aming ‘Silent Night, Holy Night’.
Dahil nga walang nasasaktan at walang namamatay dahil nga sa walang kabuluhang firecrackers at pyrotechnic materials.
- Latest
- Trending