^

PSN Opinyon

Madlang pinoy, Happy New Year

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

TODAY mukhang tataas ang singil sa Southern Luzon Expressway at tila dehins na ito puedeng pigilan.

Sabi nga, hindi biro ang tinaas!

Ang magandang balita sa pagpasok ng 2011 mukhang ibababa ng MERALCO ang kanilang singil sa kuryente sa mga consumer nito sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, hurray, hurray, hurray!

Ika nga, MERALCO, happy kami pansamantala. Hehehe!

Ano kayang suerte papasok sa Philippines my Philippines ngayon year 2011?

Dumami kaya ang tao este mali trabaho pala para naman ang alaws hotraba ay magkaroon na at hindi na pumunta sa aboard este abroad pala at iwanan ang kanilang mahal sa buhay ?

Ano kaya sa palagay ninyo?

Maging maayos na kaya ang pulitika sa Philippines my Philippines para naman sumagana ang ating bansa ?

Ano sa palagay ninyo?

Magkaroon kaya ng kudeta para itaob ang administrasyon ni P. Noy ?

Ano sa palagay ninyo?

Mukhang hindi mag-aaklas ang kontrabida dahil maganda ang patakbo ni P. Noy sa Philippines my Philippines at tumaas ang rating nito sa madlang people.

Paano naman ang kanyang mga dresser este cabinet pala?

Siguro dapat palitan ang papalitan. Tama ba DOJ Secretary Leila de Lima, Your Honor?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ngayon dyan sa malakanin este mali Malacanang pala ay alam na ng mga alagad ni P. Noy ang maalis sa kani-kanilang puesto at ang pinag-uusapan na lamang ay ang mga papalit sa kanila.

Sabi nga, DILG, DENR, CS, DOH at malamang DND?

Pahabol - ano iyon?

Sana pati DOJ?

Kamote ka!

Abangan.

Jueteng sa Muntinlupa bukas na!

GUERILLA type pero open to the madlang sugarol sa Muntinlupa City ang jueteng operation ng isang Allan Manuela at isang Kevin Uy, ang sinasabing financer nito.

Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro, alam mo bang matindi na ang kubransa ng grupo ni Allan sa lugar mo? 

Nagpaalam ba sa inyo Mayor si alyas Ka Tom at isang Ka Adiong para sa operasyon ng jueteng sa lugar mo?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  ang dalawang kamoteng ito ang nagbigay ng balbas este mali basbas pala para maimpusahan ang jueteng operations sa Muntinlupa City.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Allan, Ka Adiong at Ka Tom ay mga ex-foolish cops noong wala pa silang 56 years old.

Ika nga, retired na dahil mga gurang na ang mga kamote’s!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, guerilla type ang jueteng operations ni Allan sa Taguig, Pateros at Muntinlupa City pero malaki ang engreso nito everyday.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naka-tiembre sina Kevin at Allan sa PNP-CIDG, NCRPO at maging sa local foolish cops ng mga lugar na nabanggit. Tama ba, Ka Wilson ‘kilala’?

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi puedeng salingin ng sinuman ang jueteng operations ni Allan at Kevin dahil matataas na opisyal ng pamahalaan ang sinasabing kausap nila?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

ABANGAN

ALLAN MANUELA

ANO

AYON

KA ADIONG

KA TOM

MUNTINLUPA CITY

PHILIPPINES

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with