^

PSN Opinyon

Pinoy di nauubusan ng pag-asa!

- Al G. Pedroche -

HAPPY NEW YEAR muna sa lahat. Heto na naman ang panibagong taong 2011. Ano naman kaya ang mga surpresang dala nito? Sana, mga surpresang magdudulot ng kaluwagan sa dibdib at hindi tension.

Ang nagdaang taon ay batbat ng pagsubok pero ayon sa isang survey, mas maraming Pilipino ang hindi nawawalan ng pag-asa na iigi ang buhay sa pagpasok ng Bagong Taon.

Ang katatapos na taon ay maraming dalang trahedya gaya ng mapaminsalang bagyo at ibang kalamidad. Nangyari rin ang Manila hostage crisis noong Agosto na nagpakita sa kahinaan ng mga organisasyon ng pamahalaan na inaasahang mangangalaga sa seguridad ng taumbayan.

Ang mga problema ng mundo ngayon ay maaaring gawa ng tao o ng kalikasan. Pero ang malaking bahagi ng problema ay ang nagsusungit na kalikasan bunga ng tinatawag na climate change.

Nagiging mas masungit ang mga panahon ng tag-ulan at makalapnos-balat naman ang panahon ng tag-init. Tinutuyo ang mga lawa na nagdudulot ng matinding krisis sa tubig.

 Pero sa kabila ng mga suliraning iyan ay hindi nawawalan ng pag-asa ang taumbayan. Napansin natin na sa kabila ng mga malalaking dagok sa bansa ay patuloy na mataas ang approval rating ni Presidente Noynoy Aquino. Marahil, natanto ng tao na panahon na para magkaisa ang lahat sa pagsuporta sa liderato. Kung hindi ay lalu lamang lulubha ang kondisyon sa ating bansa.

 Tama. Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Habang ang tao ay may pananalig sa Dios, walang dahilan para maglaho ang ating pag-asa para sa mas magandang buhay. Pero kung sadyang mabuting buhay ang ha­ngad natin, taluntunin natin ang matuwid na landas gaya ng inaadhika ni Presidente P-Noy. Magsisi sa lahat ng kasalanan at gawing panuntunan sa pang-araw-araw na buhay ang mga prinsipyong maka-Diyos. Sinasabi sa Proverbs 14:34 na: Righteousness exalts a nation but sin is a reproach to all persons.

Kung nais natin maitaas ang bansa, magpakatuwid ang lahat sa landas na tinatahak.

AGOSTO

ANO

BAGONG TAON

DIOS

DIYOS

HABANG

PERO

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

PRESIDENTE P-NOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with