^

PSN Opinyon

Si Rep. Angara isa sa TOYM awardee

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

Dahil sa kanyang mahalagang papel upang maitaguyod ang maayos at tapat na serbisyo sa pamahalaan, nahirang si Aurora Rep. Juan Edgardo Angara bilang isa sa mga napiling tumanggap ng prestihiyosong Ten Outstanding Young Men award  para sa taong 2010.

Kinilala ng TOYM, ang ginawang pag-akda at pagsulong ni Angara ng mga panukalang batas na may malaking kapakinabangan ang lipunan, tulad ng mga estudyante, kababaihan at ng kabataan, gayundin ang lehislasyon na nagbigay-daan para sa mag-angat ng ekonomiya at paglikha ng mga trabaho.

Sabi ni Angara sa mga kuwago ng ORA MIS­MO,  na isang malaking karangalan ang TOY award at umaasa siyang ipagpapatuloy nilang mga tumanggap ng pagkilala ang matapat na layunin at pagsisilbi para sa kapakanan ng madlang masa sa Philippines my Philippines.

Mula pa noong 1959 ay walang sawang nagbibigay ng TOYM awards ang Philippine Jaycees sa mga maituturing na bukod-tanging indibidwal na may edad na 40 taon at masasabing nagpakita ng kahusayan sa kanilang propesyon at nagawang makatulong para sa magandang pagbabago ng komunidad at bansa.

Sabi nga, keep up the good work and congrats Cong!

Si Allan ‘pakuwela’ ang 137 sa South

HINDI si Elmer ‘nepo’ ang bangka sa 137 operation o jueteng sa Souther part ng Metro - Manila kundi si Allan pakuwela.

Inumpisahan the other week, ang jueteng operation sa nasabing lugar at isang Kevin Uy ang nautong bangka ni Allan pakuwela.

Hindi na kasi gusto ni Allan pakuwela si Elmer nepo ang dating niyang kasangga dahil nag-away ang dalawang kamote kaya nagka-windang-windang ang kanilang operasyon sa Muntinlupa, Taguig, Pateros, Parañaque, Las Pinas.

Bakit?

Sabi ng mga ‘aso’ ni Allan pakuwela tinakbuhan ni Elmer nepo ang mga tumamang mananaya ng jueteng kaya naggagalaiti sa galit ang mga pobreng alindahaw.

Sabi nga, hindi binayaran!

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit pinayagan ng lespiak sa NCRPO at SPD ang operasyon ng jueteng gayun may mahigpit na order si SILG Jesse Robredo at CPNP Raul Bacalzo na ang hindi maglagay hulihin este mali ang magpasugal pala ng illegal ay dakpin. Hehehe!

Abangan.

Jueteng sa  Baguio at Pangasinan

HAPPY na sana ang operasyon ng jueteng ni Luding sa Baguio, Trinidad at La Union kundi nanggulo ang mga tauhan ng PNP-CIDG central office.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, huli dito, huli doon ang pinaggagawa ng CIDG sa mga kubradores ni Luding.

Isang Bokaling ang itinuturong financer ng jueteng hindi lang natin alam kung magkakilala sila ni Luding.

Samantala, sa Pangasinan nagmiting ang mga jueteng lords na ituloy ang operasyon ng jueteng si Boy ‘bata’ ang pagador ng pagpupulong the other week.

Gerilya type muna ang ginawa pero napikon ang mga taga -CIDG dahil bukol sila este mali nagalit pala kasi nga may order mula sa pamunuan ng PNP na hulihin lahat ang nagpapa-jueteng

Abangan.

ABANGAN

ANGARA

AURORA REP

ISANG BOKALING

JESSE ROBREDO

JUAN EDGARDO ANGARA

JUETENG

KEVIN UY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with