^

PSN Opinyon

'Love kills'

- Tony Calvento -

NAGSIMULA sa tsismis, nagpalitan ng mga maaanghang na salita, sa bandang huli… nauwi sa patayan.

“Kuryente lang ang balitang yun! Wala namang nakaaktong may relasyon ang ama ko at ang aking tiyahin?” wika ni Angie.

Si Angelita ‘Angie’ Perdito ng General Trias, Cavite ay ang complainant na nagsadya sa amin. Buwan ng Hulyo ng una siyang humingi ng tulong sa aming tanggapan dahil sa pagpatay sa 55 anyos na amang si Rodolfo Belen.

Usapang babae ang pinagsimulan ng away sa pagitan ni Rodolfo o “Dolfo” at ni Victor Asican, pinsang buo ng kanyang asawa na si Rosario o “Sayong”.

Simula ng magsama sa iisang ‘compound’ ang pamilya Perdito at si Victor. Naging maugong ang pangalan ni Dolfo at asawa ni Victor na si Rexita “Rexy”.  May relasyon daw ang dalawa.

Hindi pinansin ni Angie ang balitang nakarating sa kanya. Hangang may makapagtimbre sa kanya nakita nilang inabutan ni Dolfo si Rexy ng bigas at pera sa isang tagong lugar.

Kinumpronta ni Sayong ang mister. Tikom pa rin ang bibig ni Dolfo. Para makaiwas sa tsismis at para hindi na sila magpang-abot ng selosong si Victor. Nagpakalayo si Dolfo. Dalawang taon siyang nanatili sa magulang sa Silang, Cavite.

Taong 2004, muling bumalik si Dolfo sa Gen. Trias. Tumira siya kay Angie sa Brgy. Santiago, katabing purok. Tatlong beses sa isang linggo tumutuloy si Dolfo dito. Tatlong taong naging ganito ang sitwasyon nilang magpamilya hangang nung taong 2007, nabalitaan nilang umuwi ng Quezon Province si Victor matapos umano masangkot sa isang kaso.

Sinubukan ni Dolfo na umuwi sa dating bahay. Pakiramdam niya hindi na mainit ang sitwasyon. Pagpasok ng taong 2008 dun na siya nanatili.

Naging normal muli ang pamumuhay nila Dolfo. Nagsimula siyang mamasada ng jeep ng anak na si Marcelino. Isang taon makalipas, umuwi ulit sa Gen. Trias si Victor. Ilag pa rin si Dolfo kay Victor subalit kahit anung iwas niya may mga pagkakataong nagkatatagpo pa rin ang kanilang landas.

“Pailalim pa rin tumingin si Victor sa papa ko, alam kong galit pa rin siya sa nangyari kaya’t ama ko nalang ang umiiwas,” pahayag ni Angie.

Inakala ni Dolfo na lumipas na ang galit nitong si Victor subalit iba ang nangyari. Naabutan nalang nila ang amang nasa pinakamalapit na pagamutan. Sa General Trias Maternity and Pediatric Hospital. Nakahiga sa kama at patay na.

 Ipinadala ang kanyang bangkay sa ‘morgue’ at ito’y inautopsy ni Dr. Jonathan Seranilo isang Medico Legal Officer ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory, Cavite. Lumabas sa report na  mga saksak sa dibdib ang kinamatay nito.

Napag-alam nila ang nangyari mula sa mga testigong si Esteban Ronquillo, isang barangay tanod ng Santiago at pedicab drayber na si “Estong” kung saan nun nakasay si Dolfo.

Ika-25 ng Mayo, 2010… bandang 7:30 ng gabi habang pauwi si Dolfo galing Silang ng abangan siya ng mag-asawang Victor at Rexy sa ‘waiting shed’ ng Purok Santiago.

Pagkita pa lamang ni Dolfo kay estong pumanik na ang dugo sa ulo nito. Mas lalong umigting ng magkatinginan ang misis niyang si Rexy at si Dolfo na mabilis naman napansin nitong si Victor.

Sumakay si Dolfo sa pedicab. Hindi napansin ni Dolfo na sumusunod na pala ang mag-asawa sakay ng isang single na motor. Hindi pa nakakalayo ang pedicab ng tapatan sila ng motor. Sinigawan ni Victor si Estong, “Itigil mo yan! Huwag mong itakbo yan!”.

Nakita niyang bumaba mula sa kanyang motor na ‘single’ si Victor. Aawatin sana ito ni Rexy subalit hindi niya mapigilan ang silakbo ng damdamin ng kanyang asawa. Nagmamadaling bumaba ng tricycle si Dolfo subalit mas mabilis ang bulusok ni Victor na papalapit at pasugod sa kanya.

Nagkamurahan subalit ayon kay Angie, pilit na lumalayo ang kanyang ama. Hindi na pinatagal pa ni Victor ng bumunot ito ng patalim na nakasuksok sa likod ng kanyang pantalon.

Papalapit si Victor habang sumisigaw ng, “Tapos ka na ngayon papatayin kita!”

Aakmang tatakas si Dolfo palayo ng sundan ito ni Victor. Lalaban sana si Rodolfo ngunit nawalan siya ng balanse at nahampas ang ulo sa semento. Sinamantala naman ito ni Victor at kinubabawan si Dolfo. Dito na niya inundayan ng paulit-ulit na sasaksak ang hindi makakilos na si Victor.

Nag-‘file’ ng kasong murder ang pamilya Belen sa Prosecutor’s Office, Imus nung Ika-28 ng Mayo.

Lumapit sila sa amin para humingi ng tulong para mapabilis ang usad ng kasong isinampa nila.

Itinampok namin sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 (tuwing 3:00 ng hapon) ang kwento ni Angie.

Kami naman ay nakipag-ugnayan sa Prov. Prosec. Emmanuel Velasco ng Cavite. Nung ika-4 ng Oktubre, isang ‘resolution’ na sinulat ni Pros. Ferdinand Palamos ang nagsabi na nakitaan ng ‘probable cause’ o sapat na dahilan para ang kasong ito ay masampa sa Korte. Hindi nagtagal naglabas ng warrant of arrest. Matapos ng ‘determinaton of probable cause’, si Executive Judge Aurelio Icasiano Jr. ay naglabas ng ‘warrant of arrest’ para madakip itong suspek na si Victor Dominguez Asican.

“Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong tanggapan at sa lahat ng bumubuo ng Calvento files at nailabas na ang warrant of arrest para sa aking tiyo,” wika ni Angie.

Kasalukuyan ng pinaghahanap ng ating mga alagad ng batas sa pangunguna ng PNP, Cavite itong si Victor. Masdan ninyo ang kanyang larawan at baka alam niyo ang kanyang kinaroroonan. Maari lang ay makipag-ugnayan kayo sa aming tanggapan sa mga numero sa ibaba. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Sa gustong dumulog ang aming numero 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Email: [email protected]

ANGIE

CAVITE

DOLFO

LSQUO

REXY

VICTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with