^

PSN Opinyon

Palasyo, di tatantanan si Presidente Gloria

- Al G. Pedroche -

MADALING nabuo noon ni Presidente Cory Aquino ang Presidential Commission on Good Government (PCGG). Layunin nito na bawiin ang mga sinasabing nakaw na yaman ng rehimeng Marcos. Walang choice si Cory dahil ang hudikatura ay binubuo ng mga appointees ng bagong talsik na Pangulong Marcos.

Under the P-Noy administration, bumuo naman ng Truth Commission na sa kasamaang palad ay ibinasura ng Korte Suprema. Sa pangkalahatan, maganda ang layunin nito. Ang kinukuwestyon lang ng iba ay ang pagkakatalaga kay Hilario Davide bilang pinuno gayung siya ay kilalang kakampi ni Mrs. Arroyo nang ang huli’y Pangulo pa ng bansa.

Sina Cong. Edcel Lagman at ibang minorya na ka-    kampi ni Rep. Gloria Arroyo ang unang kumwestyon sa Truth Commission pero hindi dahil kay Davide kundi dahil sa interes ni Rep. Arroyo. Bukod diyan, ang lahat ng sampung mahistrado na sumuporta sa kanila ay pawang mga appointee ni Arroyo. Kahit may apat din sa mga sumalungat na GMA appointees, hindi maiiwasang magtanong ang taumbayan: Moro-moro ba ang nangyaring pagbasura?

Paglabag daw sa “equal protection clause” ng Sali­gang Batas ang pagkakabuo ng komisyon dahil naka-focus lang sa pag-imbestiga sa mga katiwalian ng rehimeng Arroyo. Walang lohika ang katuwirang ito.

Gaya ng rehimeng Marcos, sandamakmak ang mga     kasong katiwalian ng Arroyo administration. Ang pagka­kaiba nga lang, sa PCGG ni Cory Aquino ay walang tu­mu­tol hindi kagaya ng Truth Commission ni P-Noy. Palibhasa’y nawala sa kapangyarihan si Marcos habang si Mrs. Arroyo ay nasa poder pa rin bilang Mambabatas ng Pampanga.

Tila baga naging sunud-sunuran kay Rep. Arroyo ang mga taong labis na pi­nagkatiwalaan ng sambayanan. May kasabihang “never bite the hands that feed you.” Kaya ang tanong ng ilan, paano pa mailalabas ang katotohanan? Ito na ba ang simula ng “truth decay?” Pero hindi titigil ang Malacañang sa hangaring mapanagot ang mga tiwaling opisyal ng nagdaang rehimen. Ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa, magsasagawa ng mga hakbang ang Administrasyong Aquino para papanagutin si dating pangulo at kasaluku-yang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at kanyang mga opisyal sa mga alegasyon ng pandarambong at korupsiyon.

ADMINISTRASYONG AQUINO

ARROYO

CORY AQUINO

EDCEL LAGMAN

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA

GLORIA ARROYO

MRS. ARROYO

TRUTH COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with