^

PSN Opinyon

Kawawang sanggol!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

Kawawa naman ang sanggol na ito. Hindi pa pinapa-nganak, napakatinding stress kaagad ang hinarap. Kaya hindi na siguro nakayanan. Nakunan ang buntis na pi­nag­sasaksak ng 24 na beses at binaril ng dalawang halimaw na pulis, na tinapon pa sa isang bangin. Akala ay patay na kaya umalis na lang ang mga kriminal. Pero dahil sa isang milagro, buhay ang babae at pinilit akyatin ang bangin para humanap ng tulong. Limang oras ang inabot bago siya nakarating sa isang bahay ng magsasaka, na tumulong naman at dinala siya sa ospital. Pero hindi na naligtas ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Dahil sa dami ng saksak, malamang kilala nung biktima ang mga kriminal. Ayon sa mga eksperto, ito ang dahilan nang paulit-ulit na pagsaksak. Tila naniniguradong mamamatay ang biktima. Mukhang tetestigo na ang biktima laban sa dalawang pulis, dahil sa hulidap at pangingikil. Di ko talaga matanggap ang kriminal na pulis. Parang wala nang sasama pa dito. Alagad ng batas na lumalabag sa batas. Ginagamit ang kanyang otoridad para sa krimen.

Nakakulong na raw ang dalawang pulis na gumawa umano ng krimen. May hindi pa nahuhuling tao, sibilyan, na tumulong sa mga pulis. Sana mahuli na rin. Pero gaano katagal na naman aabutin ang kasong ito? Hindi naman sikat yung biktima, o yung salarin. Makapagpiyansa kaya yung dalawang pulis? Dapat hindi at baka kung ano pang subukang gawin sa biktima! Maganda sana kung magharapan ang biktima at mga pulis para matiyak na kung sila nga ang may kagagawan ng krimen. At kapag nangyari yun, mabilis na paglilitis para makapag-umpisa na sa kanilang parusa na habambuhay na kulong! Hindi nga nila napatay ang ina, pinatay naman nila yung sanggol! 

ALAGAD

AYON

BIKTIMA

DAHIL

DAPAT

GINAGAMIT

KAWAWA

PERO

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with