^

PSN Opinyon

Kahit palpak OK lang ba?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

Mukhang nag-aala-Presidente Erap Estrada si Pre­sident Noynoy Aquino. Hindi kasi nito sinusunod ang pinangako noong manumpa sa tungkulin. Lumalabas sa paningin ng mga kababayan nating naririto sa US ay hindi rin natutupad ni P-Noy ang kanyang ipinangako.

Pinag-uusapan ngayon dito sa US ang pagre-resign ni Tourism Undersecretary Romano dahil sa slogan na “Pilipinas Kay Ganda” Kasama sa pag-iisip at pagpa-plano ng nasabing slogan si Tourism Sec. Albert Lim at ito rin ang nag-approve nito. Kung tutuusin, dapat sabay sila ni Romano na nag-resign sa ngalan ng “command responsibility”. Katulad nang nangyari kay DILG Usec. Rico Puno, hindi rin diumano pinayagan ni Noynoy na mag-resign si Lim.

Malaking kapalpakan din ang ginawa ni Exec. Sec. Jojo Ochoa tungkol sa diumano’y maling pagpapalabas nito ng Memorandum Circular No. 1 na may kinalaman sa Non-Ceso case. Nagkaroon rin daw ng selosan at inggitan ang mga namumuno sa Presidential Communications group. Ang karamihan maliban sa dalawang Cabinet members sa Communications group ay mga malalakas na tauhan ni P-Noy. Mga miyembro ang mga ito ng “exclusive circle” ng Malacañang. Dahil sa malapit rin daw kay P-Noy, absuwelto rin sa kanyang kapalpakan si Maria Carmen Mislang, ang speechwriter ni P-Noy na nagkomento sa Vietnam.

Nakaka-150 araw na sa puwesto si P-Noy pero wala pa ring gaanong magandang nangyayari sa Pilipinas. Nariyan ang patayan, kidnapping, jueteng, smuggling. corruption at iba pang mga kasamaan at kabulukan sa ahensiya ng gobyerno. Mabagal din ang usad ng hustisya sa mga biktima ng Maguindanao massacre at ganundin sa volunteer nurse na ginahasa at pinukpok ng bato sa South Upi. Ano bang nangyayari?

vuukle comment

ALBERT LIM

JOJO OCHOA

MARIA CARMEN MISLANG

MEMORANDUM CIRCULAR NO

NOYNOY AQUINO

P-NOY

PILIPINAS KAY GANDA

PRESIDENTE ERAP ESTRADA

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with