^

PSN Opinyon

'Kadiri...' (Unang Bahagi)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

BAHAGI ng serbisyo publiko ang pagbibigay ng babala sa mga tao. Sa BITAG, hindi lamang sa masasamang loob namin pinag-iingat si Juan Dela Cruz, kundi maging sa mga pagkaing isinusubo sa ating bibig araw-araw.

Sa walong taon sa larangan ng imbestigasyon ng BITAG, namulat kami sa mga natuklasan naming kadiring pagkaing lingid sa kaalaman at paningin ng bawat Pinoy.

Marami ang bumaligtad ang sikmura at maaaring hanggang sa ngayon ay hindi pa nalilimutan ang nakakadiring paggawa ng fish cracker ng isang pamilyang dayuhan sa Valenzuela City.

Napasok ng BITAG ang factory ng nasabing fish       cra­cker sa tulong ng mga tauhang na-agrabyado at nagre-reklamo laban sa mga nagmamay-ari.

Sa umpisa, ang sumbong lamang ng mga tauhan ng pabrika simpleng reklamo sa kanilang trabaho.

Sa patuloy na imbestigasyon at sa tagal ng usapan ng BITAG at ng mga tauhan nito, dito nabulgar ang nakakadi-ring proseso sa paggawa ng paboritong sitsirya ng masa.

Kauna-unahan sa larangan ng imbestigasyon sa telebis-yon, napanood ang aktuwal na paghahalo ng mga sangkap ng fish cracker. Ang nagpapasarap pala dito, patis na may ipis!

Nagulantang ang mga tauhan ng Valenzuela City Hall noon nang mapanood ang kuha sa BITAG concealed camera, kuha sa loob ng pabrika ng fisch cracker na pag-aari ng isang pamilya ng Taiwanese.

Lumaki pa ang isyung ito nang ipa-kidnap ng mga nag­mamay-ari ang dating tauhang nagsilbing asset ng BITAG.

Dahil dito, lumalim pa ang nangyaring imbestigas­yon, napag-alaman naming illegal alien ang mga nagmamay- ari ng pabrika ng fish cracker.

Sa huli, nanaig ang katarungan. Pinalaya ang biktimang dati nilang empleyado at sa pakikipagtulungan ng Bureau of Immigration Task Force, nadakip ang mga undesirable alien sa bansa.

Bagamat hindi intensiyon ng BITAG noon na manira ng negosyo, naapektuhan pansa­mantala ang industriya ng    fish cracker. Layunin lamang namin no­on na maging mai-ngat ang mamimili sa kanilang kinakain at maging babala na rin sa mga mapagsamantalang negosyante na huwag gawin ang kasalaulaang ito.

Makasaysayan rin ang storya ng taho na nadiskubre ng BITAG. Nakasisigurado ba kayo na ang paborito’t masustansiyang almusal at mirienda niyong taho ay malinis? Ma-ging ang BITAG, nandiri nang matuklasan namin ang isang pagawaang salaula ang negosyo ng taho...

Abangan ang ikalawang bahagi.

ABANGAN

BAGAMAT

BITAG

BUREAU OF IMMIGRATION TASK FORCE

DAHIL

JUAN DELA CRUZ

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with