^

PSN Opinyon

Sabi ni Rep. Angara

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HIHIMUKIN si Aurora Representative Juan Edgardo Angara ang mga opisyal ng LGU’s at may-ari ng mga commercial centers sa Philippines my Philippines na limitahan ang paggamit ng Christmas lights at iba pang dekorasyong nauuso kapag sumasapit ang christmas season.

Bakit?

Gusto niyang pag-ingatin ang madlang people regarding this issue.

Sabi ni Angara, chairman ng House Committee on Higher Education sa mga kuwago ng ORA MISMO, ayaw niyang lu­mabas na kontrabida tungkol sa usapin ito kasi gusto niya lang na magawa na magtipid sa kuryente ang madlang people at makatulong na mapigilan ang epekto ng global warming.

Ayon kay angara, “I don’t wanna play the Grinch this Christmas season but we can celebrate the birth of our dear Jesus by helping save our planet. The use of so much Christmas lights and other decors that uses electricity should be minimized because lights are among the top green house gas contributors on our planet.’

Tama naman!

Sabi ni angara, batay sa mga naunang pag-aaral ay lumalabas na 24.5% ng kabuuang greenhouse gas emissions sa buong daigdig ay mula sa mga de-kuryenteng ilaw.

Naku ha!

Problema pala.

Bida ni Angara sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang maluhong paggamit ng mga Christmas light at iba pang dekorasyong nangangailangan ng kuryente ay nakapagpapataas din ng demand sa krudo.

Tumpak!

Ang diesel aniya na karaniwang ginagamit sa mga power generator ay nagbubuga ng carbon dioxide na isa sa mga itinuturing na malaking lason sa hangin.

Ang malaking demand din sa krudo ang ikinakatwiran ngayon upang lumubo ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Sabi nga, tumaas ang presyo nito.

Paliwanag ni Angara, ‘are not just contributing to the destruction of our planet. We are also providing these oil companies the best reason to jack up their prices.”

Sabi ni Angara, sadyang maganda at masayang tingnan na daan din upang lalong maramdaman ang Kapaskuhan kung maraming dekorasyon ngunit mas mahalaga pa rin aniyang maprotektahan ang mundo mula sa tuluyang pagkasira.

‘Ano sa palagay ninyo?’

* * *

General Robert Rongavilla, read this!

ALAM mo ba sir gasgas ang pangalan mo dahil pinangongolekta ka ng isang Mike tornilyos sa mga illegal vices sa nasasakupan mo at malaking pera ang nakukuha nila sa mga gambling lord, illegal vendors, clubs, illegal terminal at ang pinakamasama ay ang koleksyon sa illegal drugs.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na panay ang orbit ni Tornilyos sa mga kamoteng pinagkukunan niya ng pitsa at ang masama pangalan mo ang kinakaldkad.

Kilalang-kilala ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Robert dahil­ matagal na silang nagsama sa isang ‘unit’ noon pang tenyente ito kaya naman pati ang ugali ay hindi papaltos sa mga kuwago.

Alam natin na hindi alam ni Robert na pinanghihingi siya sa mga illegal vices dahil oras na malaman niya ang kinukuento natin tiyak may paglalagyan si turnilyos.

Masyadong putok si turnilyos sa Manila dahil walang bukang bibig ito kundi ang gamitin ang pangalan ni Rongavilla.

Akalain mo pati sa illegal drugs ay sinasangkalan ang pa­ngalan ni Robert kundi ba naman gago itong si Mike.

‘Alam mo ang personal cel ko bro. kaya kahit anong oras ay puede mo akong tawagan.’

‘Bakit sinasalag mo si Robert?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Kamote ka pala, basahin mo ulit ang kuwento ko para malaman mo kung sino si Robert at ako.’

Abangan.

ALAM

ANGARA

ANO

AURORA REPRESENTATIVE JUAN EDGARDO ANGARA

BAKIT

GENERAL ROBERT RONGAVILLA

HIGHER EDUCATION

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with