^

PSN Opinyon

Pacman wala nang patutunayan

- Al G. Pedroche -

UNDISPUTEDLY the best fighter of all time. Hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig.

Wala nang dapat patunayan pa si Manny Pacquiao matapos matamo ang pang-walo niyang titulo nang ta-lunin si Antonio Margarito ng Mexico.

Si Margarito na rin ang kumilala sa pagiging “d’best” ni Pacman. Pati nga si Muhamad Ali na dating tinitingala bilang  “the greatest” sa buong daigdig ay nahigitan na niya.

Sa buong kasaysayan ng boxing sa mundo, si Pacquiao lang ang nakakuha ng titulo sa walong dibisyon. Wala nang iba.

Kung ako ang tatanungin, tama na Manny. Hindi lang multi-milyunaryo si Pacquiao kundi isa nang bilyonaryo. Pero higit sa salapi, ang karangalan at katanyagan ang higit na mahalaga.

Pinahirapan nang husto ni Pacquiao ang halos six-footer niyang katunggaling si Margarito. Basag literal ang mukha. “Maga-rito, maga roon.”

Subalit hindi maikakailang pati si Pacquiao ay nasaktan nang matindi nang bigwasan siya sa tagiliran ng kalaban. Ang katawan ng tao ay tulad din ng makina. May wear and tear.

Tumatanda si Pacquiao at habang nagkaka-edad ay bumibigay ang kalusugan.

Ang problema, sa tingin ko lang ay yung mga taong nakikinabang sa kanya. Na sa bawat laban niya ay lumilimas ng milyones.

Kung si Pacquiao lang, sa tingin ko’y kuntento na sa perang kinita niya. Maaari na siyang maging pilantropo sa dami ng kanyang pera na kung maayos lang pa­nga­ngasiwaan at hindi wa­walda-   sin ay sapat na ha­bang siya’y nabubuhay. May matitira pa sa kanyang mga maiiwanan pagdating ng araw.

Pero sana’y huwag na siyang pauto sa mga taong ibig pa siyang gamitin sa pansariling interes.

Tanggapin man o hindi ng lahat, si Pacquiao ay isa nang pambansang bayani na nagbigay ng karangalan sa ating bansa.

ANTONIO MARGARITO

BASAG

MUHAMAD ALI

NANG

PACQUIAO

PERO

SI MARGARITO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with