HINAMON ni Ang Kasangga Partylist Rep. Teodorico Haresco na sabihin sa madlang people ang mga pangalan ng mga pulitiko na humihirit para sa mga kasangga nilang suppliers na bilhin ang kagamitan para maging hi-tech ang modem weather radar equipment ng Philippine Atmospeheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.
Sabi nga, P.5 billion ang halaga!
Ayon kay Haresco, kailangan pangalanan ng dalawang kongresista na nagbibintang na may mga pulitikong humaharang sa proyekto upang maging moderno na ang kagamitan ng PAGASA at para hindi na umasa pa ang madlang people sa mga palpak na inilalabas na weather bulletin nito katulad ng nangyari noon bagyong si Ondoy.
Banat ni Haresco ng maka-usap ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang alegasyon na may mga kongresista ang nakikialam para bumili ng ‘doppler radar systems’ kaya up to now ay nabibinbin ito ay hindi birong tsismis kailangan aniyang isa-publiko ang pangalan ng mga ito para malaman ng madlang people sa Philippines my Philippines.
Naantig kasi ang damdamin ni Haresco ng magsalita umano sina Camarines Sur Rep. Rolando Andaya at AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones, na ang ginagawang subasta sa pagbili ng Doppler radars equipment ng PAGASA ay nababalam kasi may dalawa umanong kongresista ang humihirit na doon sa kanilang dalawang suppliers bilhin ang hi-tech equipments,
Ang dalawang suppliers ay isang kano at ang isa naman ay tsekwang contractor.
Bakit para saan ang mga suppliers na ito?
Kamote, para sa komisyon ng bibilhin kagamitan ng PAGASA.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Naiinis si Haresco dahil para sa kabutihan ng Philippines my Philippines ang pagbili ng gobierno ng hi-tech equipments pero nagtataka naman siya kung bakit may mga kamoteng gusto pang kumita sa gagawing bidding.
Abangan.
‘E.O - 887-A’
MATAPOS ipagsigawan ni P. Noy na boss niya ang madlang pinoy noon sa inagurasyon sa talunets may mga negosiante ang gusto ipanukalang EO-887-A.
Bakit?
May mga sindikato na naman gustong mandaya ng malaki sa Bureau of Customs kaya kailangan ibasura ang nasabing batas.
Kasi nga, ang EO 887-A, ay sinasabing ‘COMPLETE MONOPOLY’ sa kalakal ng mga sasakyan kaya ito ang ayaw ng mga sindkato . Hehehe!
Kung tutuusin dapat din patayin ang imported second-hand car at second hand truck industry sa Philippines my Philippines dahil nga wawaratin nito ang local car manufacturer sa atin at bukod pa dito marami ang mawawalan ng trabaho.
Sabi nga, kawawa naman sila!
May mga nagsasabing monopolyo na ng mga ‘carmakers’ ang bentahan ng mga kotse kaya naman marami rin ang naggagalaiti regarding sa isyu ng delivery trucks na huwag ng pakialaman ng pamahalaan ito kasi nga naman daw sila ang mga trak ang naghahatid araw-araw sa mga palengke ng ating mga batayang pangangailangan tulad ng bigas, karne, manok, gulay, isda.
Ika nga, lumang tugtugin!
Ang monopolyo ay hindi lang labag sa prinsipyo ng “free trade” sa ating sistemang kapitalista, bagkus, labag din ito sa konsensiya.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Apat hanggang limang beses kasi ang presyo ng mga bagong sasakyan kumpara sa mga imported second-hand vehicles pero kaya ba ng gobierno ng Philippines my Philippines na magsara ang mga local manufacturer ng mga sasakyan.
Paano ang mga madidisgrasiya dahil sa luma ang mga ginagamit na sasakyan?
Mga sindikato ng second hand vehicles lamang ang nagsama-sama sa ngayon upang banatan ang pamahalaan o takutin si P. Noy para itapon ang nasabing E.O order ni GMA na nagpahirap ng malaki sa Philippines my Philippines.
Abangan.